Chapter Nine

96 4 3
                                        

6:08AM.

Ang sakit isipin na ganito na ako gigising simula ngayong araw na to. Yung tipong alarm clock ko ang una kong makikita pagmulat ng mga mata ko. Hindi ako ganun kagaling sa pag-gising ng maaga. Medyo malayo-layo kasi yung dati kong school dito sa subdivision namin kaya most of the time, 5:30AM ako gumigising. Luckily, yung school ko naman ngayon eh malapit lang. Isang tricycle lang, okay na. Hindi na talaga ako sanay ng ganito kasi madalas nung bakasyon, tanghali na akong gumigising. Mga 8:00AM or 9:00AM. 

 Ito lang naman yung pinoproblema ko sa tuwing nagsisimula ang pasukan, eh. 

Pero kapag iniisip ko na hindi ko na makakasama sina Tin at Xandra, feeling ko mas lalong bumibigat yung pakiramdam ko at dumadagdag yung poproblemahin ko.

Sumilip ako sa bintana mula sa kwarto ko at napansing hindi pa ganun sumisikat yung araw. Medyo madilim din yung langit at mukhang uulan na naman ng malakas katulad kahapon. Ano ba yan. First day na first day, maulan? I don't have a great feeling about my senior year.

Bumaba na ako only to find na wala sina mama at papa sa usual nilang place sa kainan. Walang nagluluto ng breakfast, walang nagbabasa ng newspaper sa may mesa.

Wala.

Nalungkot tuloy ako. Parang ang cold ng atmosphere sa loob ng bahay. Kami lang naman kasi ni Kuya yung naiwan. Like I said, si mama at papa ay umalis para sa isang business trip. Oo, naiintindihan ko na para naman samin to ni Kuya, pero kung isipin mo, nakakalungkot pa rin. Wala yung dalawang taong bumubuo sa simula ng araw mo.

Binuksan ko yung mga bintana sa may sala at naupo sa may sofa, Medyo maaga pa naman kasi kaya kinuha ko yung phone ko para mag-gm.

To: Kaibigaaaans (17)

Sing me to sleep. Sing me to sleep.

I don't want to wake up on my own anymore.

First day :( Morning.

#Ingat. 

Since alam ko namang busy lahat ng kaibigan ko ngayon kasi nga first day din nila kaya wala naman talagang magrereply, nag-decide na akong magluto ng breakfast. Dahil may natira pa namang kanin kagabi, gumawa na lang ako ng fried rice. May itlog din sa ref kaya ginawa ko nalang scrambled eggs. May hotdog din. After that, nagtimpla na ako ng milo para sa sarili ko. Hindi kasi ako umiinom ng kape. Kahit kape-gatas, hindi rin. Wala lang kasi talaga akong hilig sa kape. 

Nagsimula na akong kumain nung biglang nag-vibrate yung phone ko ng ilang beses. In-unlock ko only to find 6 messages. Bongga, ah. Mukhang di gaano kalakas yung signal kaya delayed yung messages. Isa-isa ko silang binasa at nireplayan. Si Tin, Xandra, Lex, Ej, Nico, at Kuya Bons lang naman with their, 'Goodluck sa first day! Kaya mo yan!' 'Di na tayo magkasamaaaa :( Tss. Goodluck, ha?' 'Oy, babae! Wag kang masyadong malungkot, di naman tayo magkakahiwa-hiwalay! :)' etc. Napangiti naman ako.

Unconsciously, hindi ko napansing nag-scroll down ako sa inbox ko at tumigil ako dun sa text mula ki Juster kagabi.

From: <3 Juster

Goodnight. 

Ay putakteng puso. Wag ka ngang bumilis ng tibok diyan.

Pagkatapos kong kumain at mailigpit yung pinagkainan ko, naligo na ako ng mabilisan saka umakyat sa kwarto ko para isuot yung uniform ko. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Nakalimutan ko palang gupitan yung buhok ko. Kinuha ko yung gunting saka ginupitan ng konti yung bangs ko. Ayoko namang first day eh magmukha ako dung multo dahil sa buhok ko. Tumalikod naman ako at nagisip-isip kung iiklian ko ba talaga yung buhok ko or hindi.

Secretly HopingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon