"Juster! Putek! Kapag ako talaga namatay nang maaga, mumultuhin kita!" Wala na kong pakialam kung nasa public place ako or wala. Sisigaw ako kung gusto kong sumigaw. Ikaw nga, subukan mong huwag sumigaw at matakot kasi feeling mo, any minute now, mababagok na yung ulo mo. Bwiset kasi tong si Juster! Kung magpumilit, daig pa ang bata!
"Huwag ka nga kasing matakot! Nandito naman ako oh, aalalayan kita," sabi namin ni Juster habang umaandar yung skateboard at hawak niya yung kamay ko.
Nasa skating park slash tambayan kami ngayon. Sadly, kami lang ni Ej ang nakatambay ngayon. Well, kasama namin sina Kuya at pati na rin yung mga barkada niya. Si Nico at Tin kasi, nag-date. Matagal-tagal na rin daw kasi silang hindi nakakalabas nang sila lang dalawa. We undestand naman. Nakita mo na ngang magyakapan at maglandian yang dalawang yan sa harap mo, di ka pa ba masasanay? Haha. Joke. Syempre, naiintindihan naman namin kasi hindi naman parating saamin lang umiikot yung mundo nila, diba?
Si Lex naman at Xandra, bibili daw ng school supplies pati books na recquired para sa darating na pasukan. We only have less than two weeks to prepare. Hindi pa nga ako nakakapag-enroll, eh. Ni bumili ng gamit, hindi pa. Si mama at papa kasi, hindi pa nakakapagdecide kung dun ako sa dati kong school or sa school ni Kuya. Ang rason? Magbubusiness trip kasi sila for six months sa kung saang lugar. Para naman daw may magbabantay sakin (which is si Kuya nga). Nanghihinayang nga ako kasi ibig sabihin, wala na talaga akong chance para maging classmates sina Lex at Xandra in my last year of high school.
Si Kuya Bons naman, yun. Hanggang ngayon nag-aaral pa din. He can't afford any distractions for the mean time daw kasi. At, right now, wala akong ibang gustong gawin kundi sakalin si Juster; yung tipong maghihingalo siya. Kani-kanina lang, nakaupo lang kami ni Ej sa bench sa isang gilid, naggigitara ako habang siya naman eh nakikinig lang at nanunuod kina Kuya.
Saka naman umepal tong si Juster. Lumapit siya at tinanong kami kung gusto ba daw naming magtry dun sa skateboard. Sa totoo lang, gusto ko talagang matuto magskateboard pero kung siya din lang naman ang magtuturo, no thanks. Haha. Ang sama ko.
Eh kasi naman, hindi natin alam kung anong nasa isip niyang si Juster. Ibang klase kasi yang taong yan, akala mo inosente, pero may pinaplano pala. Mamaya niyan eh talagang mangyari yung nangyari sakin dati. Yung una ko kasing try, nabagok yung ulo ko at feeling ko mamamatay na ako on the spot.
Si Ej naman eh basag ako kasi umoo agad. Pumunta naman siya kina Kuya at nagtry. Actually, di naman talaga sila close. Oo, naguusap sila pero hindi yung tipong ganito. Nakita ko nga silang nagtatawanan nun. Nako, ang mga lalake talaga, ang daling magka-close. Haha.
Pero yun. Hindi pa rin siya tumigil sa pangungulit. Titigilan niya na daw ako kapag natuto or kahit man lang sumubok ng pag-ride dun sa board. Siguro mga ilang minuto din yun nung sumuko na ako sa pag-hindi. Iba tong lalakeng to. Makulit. Weird. Maingay. Lahat lahat na talaga, nasa kanya na.
"Alalayan mo mukha mo! Mahuhulog ako!" sigaw ko.
"Hindi nga yan! Ang likot mo naman kasi," tumatawa niyang sinabi. "Balance kasi, Justinne!"
"Paano ako magbabalance eh andyan ka sa gilid?!"
"Oh, eh di bibitawan na lang kita, yun lang naman pala," sabi niya habang nakangiti parin. Ang sarap mo talagang sakalin, Juster Ryan Quintes.
"Sira ka ba o sira?! Nakita mo ngang di ako marunong, eh!"
At kahit ayoko mang aminin sa sarili ko, I found myself gripping his hand tighter. Lintek talagang Juster to. Yung mga bagay na ayokong gawin, napipilit niya akong gawin.
"Wag ka na nga kasing matakot, sasaluhin naman kita."
At yun. Nahulog ako sa skateboard. Ba't ba kasi may malaking (hindi naman kalakihan) bato dito? Lintek. Eto na naman, napahiya na naman ako. Akala ko katapusan ko na pero hindi ko naman nayakap yung sahig, edi ba nga kasi nakahawak si Juster sa kamay ko? Nahawakan niya agad ako sa braso ko kaya hindi ako nahulog.
BINABASA MO ANG
Secretly Hoping
JugendliteraturSometime in our life, matatagpuan daw natin yung taong nakalaan para satin; yung taong pasasayahin ka at mararamdaman mong kayo nga talaga ang para sa isa't isa. Sa libo-libong nilalang sa mundong ibabaw, ako pa talaga ang napiling pagtripan; narara...