"Babanatan ko talaga yang mukha mo kapag hindi ka tumigil," binantaan ko si Juster. Ano pa nga ba ang bago? Eto na naman kami sa walang humpay na pag-aaway. Nakasanayan na din ngang tawaging LQ ng mga kaibigan at kaklase ko, pero sa tuwing sasabihin nilang ganun, hindi na lang ako umiimik.
Parang ngayon, nasa saaming dalawa na naman ang atensyon ng buong klase. As usual, hindi na lang ako nagsalita. Si Juster naman, masyado atang carried away sa pang-aasar kaya ang sagot naman ni Juster, "LQ? Kami ni Justinne? Ew. No, thank you," at saka naman magtatawanan tong mga kaklase ko.
Oo, kahit sabihin nating biro lang yun, hindi ko pa rin maiwasang malungkot sa sinabi niya. Kasi naman, hindi naman imposibleng masabi niya yun tungkol sakin, diba? To cover it up, pinalo ko ng napakalakas yung braso niya.
"Ay ang kapal mo din, noh Mr. Yabang? Lalo naman ako, di kita type, ha," hindi pwedeng wala akong resbak dun. Magpapatalo ba ako sa unggoy na to?
"Mas lalong di kita type, Ms. Sungit," sagot naman niya. May sumingit naman nun na isa naming kaklase, "Bakit, Justinne? Ano bang type mo?"
"Gusto ko yung mga lalakeng mababait saka matulungin sa kapwa. Yung hindi mahilig mang-away," tiningnan ko si Juster na para bang nagpapatama, "at marunong gumalang ng babae." Tawanan ulit yung buong klase.
"Eh ikaw Juster?" tanong naman ng isa.
"Aba naman. Gusto ko sa mga babaeng mahinhin. Hindi yung malakas kung makapalo ng braso at mas magaling pang mang-bara kesa sakin," tiningnan naman niya ako. "Ayoko sa mga babaeng barbaric at naninigaw."
"Excuse you, Mr. Yabang. Wag kang patingin-tingin sakin diyan," sabi ko. "Kahit kelan hindi ko pinangarap na maging type mo," I continued.
"Mas lalo naman ako! Well, hindi naman kita masisisi," tinaasan niya ako ng balikat, "sa gwapo ko ba namang to, hindi na ako magtataka kung may gusto ka na pala sa kin nung simula pa lang."
"Ay? Ganon? Boom. Pa-party na," I said to end the conversation. Tumatawa pa din yung mga kaklase ko. "Wuy, Ms. Pikon!" asar pa ni Juster pero nag-ring na yung bell nun, meaning tapos na ang recess, kaya hindi ko na siya nabara. Pesteng Juster. Kakatapos lang ng sembreak, di pa rin nagbabago.
Nagklase lang kami buong umaga. Actually, not really. Since kakatapos lang nga ng sembreak namin, may mga subject teachers na absent kaya parang irregular yung klase namin. May mga teachers naman na nag-iwan ng activities, pero meron din namang nakalimot (o sadyang tinamad lang).
Nung last subject na namin sa pang-hapon, wala si Miss at walang activity na iniwan kaya free time namin. Ano pa nga ba ang ineexpect mo? Edi magulo na naman yung buong klase.
May mga nagdadaldalan, may mga pumupunta ng canteen, dun naman sa gilid may nagsi-skateboard kasi dala ni Juster yung skate niya. Tinuturuan niya yung iba naming kaklaseng interested sa skateboarding. Ako naman, tutal natapos ko na yung mga librong binabasa ko nung sembreak at hindi pa ako nakakabili ng bago, nanunuod lang ako sa mga kaklase ko.
"Alam mo yang si Juster, mukhang di pa rin talaga maka-move-on."
Narinig kong sabi ng kaklase ko dun sa isang gilid. Move on? Saan? Rather, kanino? Alam ko namang madami nang naging ex yan si Juster, pero sa pagkakaalam ko, wala siyang sineryoso ni isa. Sabi ko nga, fling-fling.
Tutal nakuha na rin naman ang atensyon ko nung dalawa kong kaklaseng nagchichismisan, hindi naman siguro masama ang ma-curious at mag-eavsdrop, diba? Okay. Sabihin na nating masama nga ang makinig sa usapan ng walang permiso pero masisisi mo ba ako? Si Juster ang topic, eh. At yung ex niya 'daw' na hindi pa makalimutan ni Juster.
"Diba first year pa sila nun hanggang second half ng second year? Yun ata yung pinakamatagal na relationship ni Juster," sagot naman nung isa.
"Oo. Saktong sakto nga yung pag-describe niya sa type niya. Ano nga ba ulit yung pangalan nun?"

BINABASA MO ANG
Secretly Hoping
Teen FictionSometime in our life, matatagpuan daw natin yung taong nakalaan para satin; yung taong pasasayahin ka at mararamdaman mong kayo nga talaga ang para sa isa't isa. Sa libo-libong nilalang sa mundong ibabaw, ako pa talaga ang napiling pagtripan; narara...