Chapter Three

113 6 0
                                    

Simula nung araw na yun, hindi ko na nakita yung pagmumukha ng mokong na manyakis na stalker na walang kwenta na nagpapainit sa dugo ko na yun. Mabuti naman. Nagtataka nga ako kung bakit di ko pa talaga siya pinablater or kaya naman hinunting. Jusko. Siguro pagpapasalamat ko na lang ki Lord na hindi ko na nakikita yung mukha nung kumag na yun, or else baka sumuka na ako ng dugo sa sobrang kamuhian.

Ewan.

Una ko pa lang talagang tingin sa kanya alam kong we won't be in good terms. Ever.

Ang babaw ba ng rason kung bakit galit na galit ako sa kanya? Well, nakakahiya kasi talaga ng sobra sobra sobra. Sino ba naman ang hindi mapapahiya sa ginawa niya? Ganun ba siya ka-insensitive para ipagsigawan sa buong subdivison na bukas yung zipper ng shorts ko? Or baka nabagok lang siya nung nabunggo niya ako ng skateboard niya tapos mas grumabe pa ang tama sa ulo? Iniisip ko pa lang yung nangyari, kulang na lang eh maghukay ako ng manhole at dun na lang tumira habang buhay. Nakakabadtrip kasi talaga.

Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya kapag nakita ko siya uli. Ipapalapa ko ba sa buwaya? Or sa aso na lang dun sa kabilang bahay? Nako. Pag nagpakita pa talaga sakin yung kumag na yun, kakalimutan kong napakabait kong tao. Chos. Haha. At take note, alam pa niya yung pangalan ko, ah. Galing, no? Talent niya siguro ang mangstalk. 

Ang kapal ng mukha ko. Hahahaha. Sino ba naman ako para istalk? Kung may mangsto-stalk sakin, it's either kikidnapin na ako or pagnanakawan. Hanggang ngayon, nananatiling misteryo pa rin kung bakit alam niya ang pangalan ko. Hindi ko din nga alam kung gusto ko pa bang malaman kung bakit o ayaw.

Anyway, moving on. Three weeks na lang at magsisimula na naman ang pasukan. I'm both excited and nervous. May malaki kasing possibility na magkahiwa-hiwalay kami nina Tin at Xandra. Last year kasi, magkakaklase na kami. Alam niyo naman ang teachers dito, they go through all the trouble para ipaghiwalay yung mga naging mag-classmates na dati. Sadista or masokista ba? Well, ang rason kasi nila eh through this daw, magkakaroon ng chance na makipaginteract sa yung students sa ibang tao.

Saturday ngayon at halos wala akong magawa kundi magpakabulok sa loob ng kwarto. Maaga pa kasi. 10:28AM palang eh ang karaniwang tambay namin ng mga barkada ko eh 4:00PM or 5:00PM. Since malapit din lang naman ang mga bahay namin (which is walking distance lang), okay lang na umuwi kami ng gabi na kasi may trust naman samin yung parents namin at kilala na yung mga binabarkada ng anak nila.

So yun nga. Kapag wala akong magawa, usually nagbabasa na lang ako ng mga pocket books. Or kaya naman nanunuod ng Disney movies kahit paulit-ulit na, hindi kasi ako nagsasawa, Haha. Pwede ding nagsu-surf lang ng net at nageexplore ng kung anu ano. Actually, hindi ako mahilig masyado sa social networking sites. Yung mga facebook at twitter? Oo, meron ako nun pero di naman ako active kasi di nga ako sociable.

Most of the time, nasa youtube lang ako nanunuod ng guitar covers or whatever. Mahilig kasi akong mag-gitara. Grade six ako nung binilhan ni mama si Kuya ng gitara as a gift. Nakakatawa nga kasi imbis na si Kuya ang matuto, ako ang natuto. Haha. Di kasi matiyaga yang si Kuya. Skateboarding lang nga ang alam kong libangan na pinagtiyagaan niyang aralin.

"Jus!" narinig kong sigaw ni Kuya galing sa baba. Speaking of the devil nga naman.

Sasagot na sana ako kaya lang narinig ko siyang sumigaw uli, "Edi wag kang bumaba! Sakin na yung tatlong slice mo ng pizza!"

"Hoy! Walangya ka Kuya! Agad agad?!"

Dali dali naman akong bumaba. Jusme. Pag naabutan ko talagang may kagat yung tatlong slices ko, magkakaroon ng isang madugong labanan sa bahay na to. Haha. Favorite food ko kasi ang pizza. Actually, mahilig ako sa kahit anong fast food. Lagi nga akong napapagalitan ni mama pero yun, masarap naman kasi eh. Haha.

Secretly HopingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon