Chapter Six

137 6 3
                                    

Sabi nila, ang high school life daw ang pinakamasayang parte sa buhay ng isang tao. Marami-rami na din ang nagsabi na kung magkakaroon sila ng chance na bumalik sa nakaraan, buhay high school daw ang babalikan nila. Dito daw kasi tayo naka-experience ng firsts. DIto tayo unang nagkaroon ng first crush (which is true kasi mula pa nung first year kong crush si Kuya Aaron), naka-experience ng review sa bahay ni ganito, sa bahay ni ganyan, o kaya naman sleepover sa kung saan, chismisan tungkol sa teachers na ayaw ninyo sa klase, sine sa Sabado or sa holiday, nakahanap ng barkadang pinagubusan ninyo ng panahon, makapagisip lang ng pangalan or group name

Madami pang mga firsts pero hindi ko na siguro iyon babanggitin.

Basta, masaya daw masyado ang high school. Nakakalungkot nga lang isipin na hindi ko makakasama sa iisang school sina Tin at Xandra. Napagdesisyunan na kasi nina mama na dun na daw talaga ako sa school ni Kuya. Magandang opporunity na daw yun para masanay na akong may mga kaklaseng lalake for college na din. Simula kasi nung kinder ako, dun na ako sa all-girls' school nag-aral. Oo, may boys nung kinder at prep pero syempre, iba naman yun.

Nakapag-enroll na din ako. Actually, si mama na ang nag-enroll sakin. Nadaanan niya na daw kasi yung school kaya dumeretso na siya tutal may pang-tuition na din lang.

Hindi ko maisip kung pano ba ako magaadopt sa ganung atmosphere. Aside from the fact na sanay na akong puros babae lang ang kasama ko sa classroom, hindi ako sanay na hindi makikita sina Tin at Xandra sa corridor saka magaalukan na pupunta ng canteen para mag-recess. Kahit ba araw-arawin naming makita yung pagmumukha ng isa't isa kasi sa isang subdivison lang din kami nakatira, iba pa rin yung sa school na sabay uuwi. Wala din akong masyadong kilala dun sa school ni Kuya bukod sa barkada niya. Eh puros naman sila college. 

Siguro ang kaisa-isang bagay na ikinatutuwa ko, makakasama ko si Kuya Aaron sa school. Hindi ko na kailangang magantay ng weekends kapag simula ng pasukan kasi lagi ko naman siyang makikita sa school. Hindi ko na din kailangang tumingin sa gate ng bahay nila kapag dinadaanan ng tricycle papuntang school. Or kaya naman sumilip sa skate park para tingnan kung andun siya.

Pero kahit pa ganun, hindi ko pa din maiwasang magalala. Pano kung di talaga ako maka-adopt? Pano kung wala akong mahanap na friend or kahit sino? Pano kung wala na akong kasabay mag-lunch? Ang weird ng ganitong feeling. Hindi naman ako magfi-first year sa high school, pero parang ganito na din yung usual na nararamdaman ng mga taong baguhan pa lang. Nakakatawa nga kasi magfo-fourth year na ako, pero parang pang first year pa din yung nararamdaman ko.

Isang linggo na lang ang natitira kaya mas lalo akong nababahala at kinakabahan. Pero kahit ganun, kailangan ko nang ihanda yung mga gamit ko. Nabilhan na ako ni mama ng bag, may sapatos na din, okay na din yung uniform, nakapagpa-ID na ako, may mga libro na din, kulang na lang talaga eh notebooks at ballpen.

Nasa may NBS (National Book Store) ako ngayon, nakapili na ako ng mga notebooks na ang design eh yung parang mga statements na may iba't ibang fonts sa cover at meron na ding papel na 1 whole, 1/2 crosswise, 1/2 lenghtwise, at 1/4. Astig, noh? Ganun talaga. Kung sakaling wala akong mapaghihingian dun sa bagong school, might as well buy for myself. Hahaha. Meron na ding ballpen, mga tatlong Faber Castle lang naman. Maganda sana yung G-Tech pero ang mahal! 70PHP para lang sa ballpen? Ipangkain ko na lang yan sa McDo, nabusog pa ako.

Pagkatapos kong bayaran dun sa counter, lumabas na ako sa NBS. Hindi naman gaanong kabigatan at karami yung dala-dala ko kaya okay lang na magikot-ikot muna sa mall. Ang loner ko ba? Eh ganun talaga, busy lahat ng barkada ko so I had no choice but to go alone. Okay lang naman, naiintindihan ko naman sila.

Pumunta muna ako ng Zagu at inorder yung paborito kong Black Forest na flavor saka naman naglakad-lakad papunta sa kung saan ako dinadala ng dalawang paa ko. Una akong napunta dun sa bilihan ng mga damit. Sa totoo lang, mahilig ako sa mga ganyan. Although simple lang akong manamit (katulad ngayon na malaking t-shirt lang, jeans na hindi masyadong fit, at vans), nacu-cute-an pa din ako sa mga suot ng mga nakadisplay na manikin dun sa may bintana.

Secretly HopingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon