Chapter Fourteen

114 2 0
                                    

Minsan, di ko pa naisip na tanungin ang sarili ko ng, 'Bakit siya pa?' Kasi kung titingnan mo, wala namang masama na magkagusto kay Juster. Hindi rin naman nakapagtataka. Ano nga ba si Juster? Well, mayabang, mahilig mang-asar, at magaling mang-bola lang naman siya.

Diba? Wala talagang kaduda-duda. Kahit katiting na doubt, di mo maiisip.

Kung di mo pa na-gets yung pagkakasabi ko nun, papadaliin ko na ang buhay mo. Sarcasm yun. Bukod sa walang araw na hindi ka maiinis sa kalokohan niya, hindi ka din niya tatantanan hanggang sa kulang na lang eh bunutin mo yang buhok mo mula sa ulo mo sa sobrang kainisan.

Sino ba naman kasi ang magaakala na kung dati, inis lang ang nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo siya, ngayon eh iba na? Parang pinaglalaruan ka lang ng emosyon mo. Parang napakalaking joke. Kasi biglaan, agad-agad.

Gusto mo siya, Justinne.

Hate at first sight? Totoo to. Pero hate at forever? Ibang usapan na yata yan.

At kung minsan, pakiramdam mo sasabog ka na sa sobrang kilig dahil sa isang taong gusto mong pugutan ng ulo nung simula pa lang, aba. Magisip-isip ka na kung ano bang malaking krimen ang nagawa mo sa past life mo, o di kaya naman nung kabataan mo para parusahan ka ng ganito.

Katulad ngayon.

Ano bang nagawa ko para mag-alala ng ganito?

Hindi pumasok si Juster kahapon sa hindi ko alam na rason. Hindi ko naman maitanong kina Kuya kasi nahihiya ako. Mamaya niyan kung ano pang isipin, ibuking pa ako ki Juster. Mag-barkada pa naman. Tss. Hindi rin siya nagtetext. Gaga ka, Justinne. Sino ka ba para itext niya, ha? Sige tuloy, let me rephrase that. Hindi din siya nagg-gm. Syempre, ano pa ba ang magiging reaksyon ko? Nag-aalala na ako.

Sobra.

Baliw na siguro talaga ako kasi dalawang araw (Linggo at kahapon) ko pa lang siyang hindi nakikita, kung makapag-alala na ako, talo ko na siguro nanay niya o kung sino mang mas malapit sa kanya kaysa sakin. Kasi naman, baka may nangyari na dung masama, di ko man lang alam. Tapos kapag meron nga tas saka ko lang nalaman, baka mas lalong bumigat yung pakiramdam ko.

Sa totoo lang, kahit wala naman talagang ibang ginawa yun kundi inisin ako, nakaka-miss na siya. Yung mga pangaasar niya, yung tawa niya, yung paraan ng pagbanggit niya ng pangalan ko, lahat lahat. Namimiss ko na. 

At natatakot ako.

Kasi napagisip-isip ko din, pano ba kung bigla niya na lang akong iwasan at hindi kausapin? Pano ko yun makakayanan na alam kong nasa punto na ako na hindi ko na kayang hindi siya makita kahit isang araw lang? Siguro paranoid lang talaga ako.

Nagklase lang kami buong umaga. Wala pa din nun si Juster. Hay nako. Para nga akong tanga, eh. Kahit alam kong wala siya, panay pa rin ang tingin ko sa direksyon ng upuan niya. Unconsciously, most of the time. Yung tipong matatanto ko na lang kung kailan ilang segundo na kong tumititig sa wala. Bwiset na taong yun. Di man lang nagpaparamdam kahit saglit, habang ako dito, sobrang nag-aalala na sa kanya.

Nag-lunch ako. This time, hindi ako sumabay kina Rae or kina Kuya. Umuwi ako, tutal malapit din lang naman yung bahay namin. Bukod sa may naiwan akong notebook na kailangang kailagan kasi may assignment, parang wala din naman akong ganang makipagsabayan sa tawanan sa school. 

Buntong hininga.

Kailan ba ko naging ganito ka-affected? All because of one person?

Nag-tricycle ako papuntang school. Masyadong mainit yung panahon kaya naka-ponytail ako. Mahaba pa naman yung buhok ko kaya masyadong hassle. Pag pasok ko ng gate, tumingin ako sa bintana ng classroom namin mula sa ibaba. 

Secretly HopingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon