PROLOGO

130 6 0
                                    


Pauwi na ako sa bahay, ngunit nakakapag taka ang katahimikan ng paligid. Napansin ko rin na halos ako na lamang ang nag lalakad palabas ng campus. Ngunit isina walang bahala ko na lamang ang aking pag tataka at nag patuloy sa pag lalakad.

Nasa kalagitnaan na ako ng daan palabas sa campus nang may narinig akong sumigaw sa masukal na parte ng paaralan.

Biglang nabuhay ang aking kuryosidad sapagkat ang pag kakaalam ko'y ni walang sino man ang nag tatangkang pumunta doon sapagkat mapanganib ang lugar na yun ilang mga bangkay na ng studyante na nitong nakaraang linggo ang natagpuan roon.

Isinawalang bahala ko ulit ang aking narinig nag babakasakali na ito ay guni guni lamang.

Ngunit nahinto ako sa pag lalakad ng may marinig akong isang sigaw " Tulong!".

Dala ng aking kuryosidad natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tinatahak ang daan papunta sa masukal na gubat.

Alam kong masyadong mapanganib ang lugar ngunit may taong nangangailangan ng tulong ko kaya't bahala na.

Nahirapan akong tuntunin kung san nag mula ang sigaw sapagkat masyadong masukal ang gubat at dahil narin sa malaking ugat ng puno na nakapag padapa saakin mula pa kanina "Aray!" Wika ko nang marapa na naman ako.

Tumigil ako sandali para tingnan ang aking tuhod na ngayun ay may gasgas na. Ngunit kumabog ng malakas ang dibdib ko ng marinig ko isang malamig na boses na nag mumula sa likuran ko "anong ginagawa mo dito?" Wika nito.

Agad akong napalingon sa kaniya at laking gulat ko hindi dahil sa gwapo nyang mukha kundi dahil may hawak syang kutsilyo na may bahid ng dugo at isang bangkay ang naka handusay sa lupa na ngayun ay naliligo sa sarili nitong dugo. Nakita ko rin ang apat na lalaki na nakatayo at bahagyang gulat ang mga ekspresyon ng mukha nila.

Ngayun ko lang napag tanto na sila na nga siguro ang pumapatay sa mga estudyante dito at nasa harapan nila ako ngayun isang malaking panganib ang kinahaharap ko hahayaan kaya nila akong mabuhay? O mamatay ako sa kanilang mga kamay?



-MAC#07-

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon