CAPITULUM 24

162 4 8
                                    

Capitulum 24

Hindi na kame nahirapang hanapin si Allysa dahil naririnig namin ang pag hikbi niya. Agad namin siyang tinungo At naabutan namin siyang nanginginig sa takot.

"Please help me"pag mamakaawa niya.

"Asan kana Allysa" malalim ang boses nang lalaking 'yon at nakakatakot na pakinggan.

Agad tinakpan ni Veron ang bibig ni Allysa dahil sa pag hikbi nito.

"Lilitohin natin siya" mahinang wika ni Veron sakto lang para marinig namin.

"Tatakbo tayo sa mag kaibang direksiyon. Mag kita tayo sa labas ng gate don sa may balete tree. Di tayo mapapansin don. Kapag isa sa'tin ang hindi agad nakapunta don humingi na kayo ng tulong" paliwanag ni Veron. Nag bilang muna siya ng 1-3 bago mag hudyat na tumakbo.

Agad kameng nag madali at napansin kong mas sinundan ng naka itim si Allysa. Hinubad ko ang sapatos ko at nag dasal na sana tumama ang sapatos ko sa sumusunod kay Allyssa. Laking pasasalamat ko nang tumama nga. At na distract ko yung nakaitim kaya agad kong tinungo si Allysa. Nag tungo kame sa building 2.

Si Allysa lang talaga ang pakay niya.

"Allysa mag palit tayo ng damit. Pumunta kana agad don kay Veron" agad namang sumunod sakin si Allysa. Nang lumabas kame ay dali dali siyang nakalabas ng gate  hinayaan lang siya nung naka itim at ako ang hinabol nito. Hindi niya siguro napansin yung mukha dahil madilim. Tutungo sana ako sa building 1 pero may mga nakaitim narin don na nakabantay ganun din sa mga iba pang building. Kung gano'n wala na akong choice, kung hindi ang mag tungo sa gubat.

Sa tingin ko nakaplano na ang lahat, may mag babantay sa kada building para hindi makapag tago don ang mga biktima. Kaya pala sa gubat sila namamatay kasi doon nalang ang kanilang pwedeng takbuhan.

Nag tago ako sa isang punong malaki habol ko ang aking hininga at nginginig na rin ako sa takot.

Mukhang di na ako makakalabas dahil nakakalat na sila.

Halos mapatalon ako sa gulat ng may naka itim na sumulpot sa harapan ko. Agad niyang tinanggal ang nakatakip sa mukha niya. At mala demonyong ngumisi saakin. Wala na akong takas! Na corner na ako.

"Hayaan mong iparamdam ko muna ang langit sayo habang buhay kapa" wika nito habang palapit sakin

Sisigaw sana ako ng tutukan niya ako ng kutsilyo sa leeg

Napatingin ako sa damit ni Allysa na kasalukuyan kong suot off shoulder ito kaya malayang nahawakan ng lalaki ang balikat ko. Nag umpisa niya akong halik-halikan nung lalaki. Napaiyak na lamang ako. Katapusan ko na ba ito?

Hindi ko alam kung anong sumapi saakin dahil siya kaagad ang rumehistro sa isip ko

"Ca..sper" bulong ko sa kawalan. Napapikit na lamang ako.

Nang hindi ko na maramdaman ang pag halik ng lalaki sa balikat ko ay dumilat ako at nakita kong nakahandusay na ito. May kutsilyo siya sa noo at dilat ang kaniyang mga mata.

Napatingin ako sa lalaking lumapit saakin. Kahit madilim ang paligid alam ko kaagad kung sino siya. Hinubad niya ang kaniyang jacket at isinuot sakin. Kahit na natatakot ay mangha kong tiningnan ang bawat kilos niya. Tumingin siya sa lalaki at ito ang unang beses na nakita kong ganito kadilim ang awra niya. Pag katapos ay bumaling siya saakin na may  malambot na ekspresyon. Tinawid niya ang agwat namin at yinakap ako, wala sa sariling napayakap din ako sa kaniya

"Fvck I'm so scared Ryl. I... I thought... I will lost you" Bulong sakin ni Casper. Nararamdaman ko  ang mainit nitong hininga sa aking leeg.

Teka tama ba pag karinig ko? Natatakot siya? Pero diba killer sila? Bakit niya pinatay yung lalaki? Di ba mag kakampi sila? Andaming tanong sa isip ko pero mas pinili kong manahimik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon