CHAPTER QUATOURDECIM

73 1 0
                                    

Chapter Quattourdecim

Agad akong hinila ni Casper papunta sa kinauupuan nila kanina. 

"C-casper pwede muna akong bitawan" wika ko sa kaniya dahil hanggang ngayon ay hawak niya parin ang kamay ko.

Saglit niya lang akong tiningnan bago bitawan.

Napatingin ako sa mga sumasayaw, ang iba ay masama parin ang tingin sakin.

Hindi na tama 'to dapat tumutulong ako sa kanila. Agad akong tumayo.

"And where are you going?" Tanong sakin ni Casper.

"Dapat tumutulong ako hindi naka upo" sagot ko sa kaniya at aakmang aalis na nang mag salita na naman siya.

"Then, kunan moko ng pag kain sa Canteen" utos niya sabay abot sakin ng pera. 

Agad ko naman siyang sinunod. Para wala ng gulo. 

Nang makabalik ako ay naabutan ko sila Henier na namimigay ng tubig. Samantalang si Casper ay naka upo parin sa sofa.

Agad akong lumapit kay Casper at ibinigay ang pag kain niya.

"Sit" wika niya sakin. Na hindi ko pinansin

"Its a command sit" pag uulit niya kaya sumunod na ako.

"Eat" utos niya na ikinakunot ng noo ko

"Do i have to tell that its a command before you followed me?" Iritadong wika ni Casper.

"Busog pa ako" saad ko sa kaniya.

"Lier, lagi ka nalang hindi kumakain ng almusal. So anong kinain mo? Hangin" sarkastikong wika ni Casper.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nag nag umpisa ng lantakan ang pag kain sa harap ko. Dahil gutom na rin ako.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba ito pero pakiramdam ko nakatitig sakin si Casper.

"Im hungry too" bulong niya sa tenga ko na nakapag patindig sa balahibo ko.

"A-ano" napaharap ako sa kaniya at ilang dangkal nalang ang layo ng mukha namin sa isat-isa. 

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya, dahil nag uumpisa na naman akong kabahan.

"I'll just help them" paalam ni Casper at pumunta sa kinaroroonan nila Zeid na namimigay ng tubig.

Napabuga nalang ako ng hangin. Anong gagawin ko dito uupo lang? Hindi ako mapakali kaya umalis nalang ako ng hindi nag papaalam kanila Casper. Pupunta nalang ako kay Veronica dahil siguradong pinapahirapan yun nila Floreza.

Nang makarating nga ako ay tama ang hinala ko. Pinalilibutan si Veronica ng mga nakiki usisa sa nang yayari.

"Gusto mo ba akong mapaos Laureño huh?" Pasigaw na wika ni Floreza kay Veronica habang hawak yung bote ng tubig.

"Ah. Sorry Floreza, h-hindi ko naman sinasadya" utal na wika ni Veronica habang naka yuko.

Agad akong lumapit sa kinaroroonan nila. Sobra na sya andaming tao pinapahiya niya si Veronica!

"Oh, so sino ka naman? Trying to be a hero eh?" Tukoy niya sakin.

Hindi ko nalamang siya pinansin at humarap kay Veronica. Pawis na pawis na sya at magulo na yung buhok niya. Medyo nanginginig din siya dahil sa takot niya siguro kay Floreza.

"Tara na" hinila ko siya para makaalis ngunit agad din kameng naharangan nila Floreza.

"And where do you think you will going?" Nag taas ng kilay samin si Floreza at humalokipkip sa harapan namin. 

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon