CHAPTER QUATTOUR

71 5 1
                                    

Chapter Quattuor

Pag katapos ng nang yari kahapon ay di na ako nakatulog na payapa kaya't halos lutang na lutang na talaga ang isip ko ngayun.

Kasalukuyan akong nag lalakad papasok sa gate, at parang di na bago saakin ang pag bungad ng mga ambulansiya at pulis.

Tumigil ako saglit upang tingnan ang pangalan ng pumanaw.

Jannah Agrest section tredecim basa ko dito at dire-diretsong umalis.

Napahinto ako ng may nabangga ako, agad kong inangat ang mata ko para malaman kung sino b'ang aking nakabangga. At ang nakangising mukha ni klyde ang bumungad saakin.

"Oi, kanina pa kita tinatawag, pero di moko pinapansin" nakangusong wika ni klyde.

"A-ano di kasi kita narinig sorry" naka yuko kong wika dahil ayokong tingnan ang mapanuring mata ni klyde.

"Ganun ba? Teka sabihin mo nga may problema kaba?" Nag aalalang wika nya sabay hawak sa pisnge ko upang itingala, ngunit hindi sa mga mata nya unang nag tama ang tingin ko kundi sa taong nasa likuran nya na naging sanhi ng pag kakagulo ng buong sistema ko, mariin syang nakatitig saamin ni klyde.

 
"Sh*t, Henier get Casper away from here" wika ni Zeid nakararating lang.

Hinila ni Henier si Casper ngunit hindi ito nag patinag at nakatitig parin saamin, kinunotan ko lamang sya ng noo dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin batid kung bakit ganoon na lamang syang makatingin.

"Help me kyle, mukang kailangan muna nating patulugin, si amator puerum" wika ni Henier ngunit hindi ko maintindihan ang huling salitang kaniyang binitiwan.

Dalawa na sila kyle at Henier ang humila kay Casper ngunit andun parin sya at nakatayo, lumapit si Havier at may ibinulong kay Casper, saglit na pumikit si Casper na tila ba nag pipigil?

Pag katapos nun ay minulat nya ang kaniyang mga mata at saglit akong tiningnan kasunod ay tumalikod na sya paalis. Sumunod na rin ang kaniyang mga pinsan. 

"Diba magandang gawin yun?" Wika ni klyde na syang nakapag pabalik ng atensyon ko sa kaniya

"A-ano nga ulit ang sinabi mo?" Tanong ko sa kaniya

"Psh wala di ka talaga nakikinig" wika ni klyde

Bigla namang tumunog ang kampana ng paaralan hudyat na mag uumpisa na ang klase

"Sige na kita nalang tayo mamaya" nakangiting wika ni klyde

Tumango lamang ako sa kaniya at dumiretso na sa aking silid aralan.

Nang makarating ako laki ng pasasalamat ko dahil wala pa ang aming guro sa math, at tumingin ako sa pwesto ng mga fervens wala sila, mabuti na siguro yun dahil hindi ko alam kung paano ko sila haharapin nang dahil sa kanilang mga kakaibang ikinikilos.

--------------

Nasa kantina ako ngayun at agad hinanap ng mga mata ko si Klyde, kumaway sya saakin ng mag tama ang aming mga mata.

"An tagal mo naman" agad na bungad nya saakin nang maka upo ako.

"Nag overtime si ma'am ih" pag sisinungaling ko an-totoo nyan sobrang bagal kong nag lakad at minsan panga'y humihinto ako dahil sa pag iisip kung paano ko mapag tatagpi tagpi ang mga salita at kilos ng Fervens

"Punta ka ah," wika ni Klyde na nakapag pabalik sa atensyon ko sa kanya.

"Huh? San? San ako pupunta?" Wika ko

"Tsss dika na naman nakikinig" wika nya sabay pitik sa noo ko

"Aray" angal ko dahil namula atah ang noo ko sa pag pitik nya

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon