CHAPTER DUO

90 7 1
                                    

Chapter Duo

Lumipas ang mga araw at may natagpuan na namang patay, si Helena Acresta section novendecim.

Kagaya kay Fiola ay pinag dasal din namin si Helena.  Taimtim akong nag dasal ng marinig kong mag salita ang isa sa mga Fervens.  "Sus! Mag babanal banalan e, mga demonyo naman lahat tayo dito". Diko mapigilang lingunin kung sinong nag salita at si Henier na nakangisi ang bumungad sakin. Wala man lang galang. Hay naku! Napaka walang galang talaga nito.

.............

Nasa kantina ako ngayun, mag isang umupo sa bakanteng pwesto at kumakain ng pinabaon na kanin sakin ni mama, hindi na ako bumibili ng pag kain sa canteen sapagkat masyadong mahal, ginto na nga ang bayad sa kantina nung nasa pampublikong paaralan pa ako, at dito nama'y diyamante na.

Tahimik ang lahat na kumakain ngunit biglang nag bago ang simoy ng hangin dahil sa pagdating ng mga Fervens, sa tagal ko dito kabisado ko na ang mga presensiya ng mag pipinsan na laging nag dadala ng gulo.

Tiyak na giyera na naman ang mang yayari sa canteen. 

Nang maka upo na sila ay may lumapit na babae, maganda, sexy.

Teka pamilyar ang mukha nya. Ah tama sya nga yung anak ng punong guro ng paaralan na ito. Andami talagang nag kakandarapa sa limang yan. Patuloy lang ako sa pag mamasid, hanggang sa mapuno na ng mga babae ang upuan ng mga Fervens.

Sila ang pinaka maingay dito sa kantina, linibot ko ang aking mata at halata sa mga kalalakihan ang inis sapagkat agaw atensyon na naman ang mga Fervens.

"What the?!" Mataray na wika ng babae na nag mumula sa puwesto ng mga fervens, tumayo ang isang babae, na natapunan ng juice sa damit. Maarte nya itong pinunasan ng tissue.

"Kanina ka pa nanadya Beatrice" wika nung babae na natapunan

"FYI Hazel if mean to threw it to you, e , di sana ibinuhos ko yan sa face mo" maarting saad nung Betri? Betra? Beastree? Ah basta may B

"What?! Ah so its much more better to you" wika niya ni Rapunzel? Pritzell? Hanzel? Basta may Zel, pagkatapos ay tinapunan nya ng juice si Bretri.

Napangisi ako sa pinapanood ko, nasa sulok lamang ako at sumubo ng pagkain na tila ba nanonood ng isang drama, live drama. 

Halata ang gulat sa mukha nung si fritzel, ngunit agad din syang nakabawi binuhos nya kay Beast yung spaghetti.

"Wag nga kayong mag away dito. We're nadadamay na kaya" saway nung isa sa mga babae dun.

Ngunit di nag pa pigil ang dalawa nag buhusan sila ng pag kain, at dahil natamaan ang ibang mga nakaupo ay nakisali na sila sa gulo buhos dun buhos dito, sabunot dun sabunot dito, sobrang gulo at kalat na ng kantina ngunit wala man lang nag tangkang pigilan ang pag aaway nila.

Ngunit napatigil ang lahat ng marinig namin ang announcement ng punong guro na nag mumula sa speaker.

"Ipsum, may i have your attention please come in locum synodalem"

Agad kameng nag tungo doon, ang mga babaeng kanina'y halos mag patayan ay agad na inayos ang kanilang mga sarili.

Nitong linggo na toh ilang beses na kameng napatawag sa locum synodalem sapagkat para ipa batid na may pumanaw, sana ngayo'y hindi tungkol sa pag panaw ang sabihin sa amin.

Ngunit hindi kame ipapatawag kung hindi sobrang seryoso ng kailangang pag usapan.

"It's sad to say that again another lifeless body found, and she is Selene Adreas from section octodecim, we're doing our best to find the killer and to protect all of you but i think its not enough that's why you will have a self defense session, for you to know how to defense yourself from the killer." 
Pag katapos mag salita ng aming punong guro ay nag sibalikan na kame sa kanya kanyang silid.

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon