CHAPTER TRIBUS

80 5 0
                                    

Chapter Tribus

Mas lalong nabuhay ang takot at pangamba ng mga studyante dito sa Arcanum, marami na ring mga magulang ang nag rereklamo at sinabing kakasuhan ang paaralan sapagkat hanggang ngayun ay hindi parin nakikita ang pumapatay na imposible daw mangyari baka daw ang school talaga ang may pakana ng lahat. Ngunit na resulbahan naman ng punong guro ang lahat, kaya't iilan pa lamang ang nag papalipat sa ibang school at mas lalo pang dumadami ang pumapasok na estudyante sa paaralan nato, minsan nga'y narinig ko sa isa sa mga bagong lipat na naging kaklase ko'y, nais daw nilang lumipat sapagkat gusto nila ng adventure, sila daw ang mag hahanap ng killer, at papatayin nila, maaari pa silang kumita sapagkat malaking pera ang katumbas ng makahuli sa killer.

Sa ngayun isang linggo na ang lumipas at kada araw ay may pumapanaw.

Andrea Antafil section septemdecim

Myka Avwesta section sedecim

Hannah Awrora section quindecim

Jamaica Axion section quatourdecim

Sila ang mga pumanaw kong kamag aral. At nakalulungkot lang na isipin ngayong araw, lunes ang bumungad sa aking pag pasok ay bangkay na naman at napag alaman kong si Kristine Agresto section tredecim.

Hindi na kame napapatawag sa locum synodalem, siguro dahil narin sa maraming inaasikaso ang aming punong guro, kaya't ina-announce na lamang saamin kung sino ang mga pumanaw. 

Kasalukuyan akong nanonood sa laro ng kaibigan kong si klyde.  Seryoso siyang nag lalaro ng chess, halos kalahating oras bago natapos ang kanilang laro, at nanalo si klyde.

"Oi anne kanina kapa pala" gulat na wika nya

" Oo masyado ka kasing seryoso kaya hindi mo siguro ako napansin" wika ko

"Dapat tinawag mo nalang ako, para di kana nag hintay" wika nya habang ngumunguso

"Hahaha oo na sa susunod" wika ko sabay kurot sa pisnge nya

Nitong mga nakaraang araw lagi na kameng mag ka partner ni klyde kaya't naging mag kaibigan na talaga kame. 

"Kumain kana?" Tanong nya

Tanging pag iling lang ang sagot ko sa kaniya. Kayat hinila nya ako papunta sa canteen.

"Dahil napag hintay kita ng matagal ililibre nalang kita" wika nito

At dahil libre iyon di na ako umangal pa.

Nang matapos naming mag order ay umupo kame sa lagi kong pwesto.

"Sumakit yung kamay ko sa pag lalaro kanina" nakanguso nyang wika sabay himas sa kamay nya.

"Mukhang di ako makaka-kain ng mag isa" wika nito. 

Haist, lagi nya tong ginagawa at nong una nya tong ginawa diko sya pinansin at hindi talaga sya kumain, nung mag uwian non ay nakita ko syang namumutla at sinabi nya sakin na nagugutom na sya. Kaya kinonsensya na ako at pinag bigyan ko na ang pagiging isip bata nya.

Napa hugot ako ng malalim na hininga  bago mag salita "Oo na, dahil linibre mo ko, oh siya sige" sabay subo ko sa kanya ng pasta na inorder nya.

"Ayoko sabihin mo munang ah, baby klyde" nakangising wika nito

Agad akong napangiwi sa sinabi nya. Binaba ko ang tinidor na hawak ko at inirapan sya.
"Asa" sambit ko. 

Ang maingay na paligid ay biglang tumahimik ng pumasok ang mga Fervens, nitong mga nakaraang araw ay minsan ko nalang silang makita, ni sa klase nga ay parang dalawang beses ko lang silang nakita. Mabuti na yun, dahil tuwing nakikita ko ang antuking Fervens, ay laging madilim ang awra nya.

Sinundan ko ng tingin ang mga Fervens hanggang sa makaupo sila sa kanilang pwesto at agad na nag tama ang tingin namin ng pinaka antuking nilalalang, ayan na naman ang mga mata nyang masamang nakatingin saakin, kaya nag iwas ako ng tingin sa kaniya.

Sa pag iwas ko sa kaniya ay napatingin ako kay klyde na ngayun ay nakapangalumbabang nakatitig saakin.

Napatawa ako dahil sa mapanuring mata ni Klyde.

"Bat ka tumatawa huh?" Kunot noo nyang tanong.

'"Yung mukha mo kasi parang kamukha ng guard sa gate" nakangisi kong saad

"Tss napansin ko lang ah, panay ang titig mo sa mga Fervens may gusto ka ba sa kanila?" Direktang tanong ni klyde.

Agad naman akong napangiwi sa sinabi niya. Sa'ng lupalop niya naman kaya nakuha na may gusto ko sa mga 'yon.

"Tumingin lang may gusto na agad?, kumain kana lang" wika ko sabay subo sa kanya ng pasta at kinain nya naman.

Napatingin ako sa pwesto ng mga Fervens marami nang babaeng nag kukumpulan. At napailing nalang ako, minsan nag tatanong ako kung bakit minsan di ginagalang ng mga lalaki ang babae minsan pa nga napagsasamantalahan, siguro dahil sila mismo di nila ginagalang ang kanilang mga sarili, pilit nilang pinag sisiksikan ang mga sarili nila sa lalaking pag lalaruan lang sila, katulad ng mga ginagawa ng Fervens, harap harapan na silang pinag lalaruan ngunit masyado na silang nag pabulag sa pisikal na anyo at binabalewala na ang ugali sa likod ng kanilang mga tunay na anyo.


"Wag kana ngang tumingin jan" wika ni klyde sabay hawak sa mukha ko paharap sa kaniya.

Napangisi nalang ako "Oo na po" 

Halos napatalon ako sa gulat ng may narinig akong nabasag, napatingin ulit ako sa pwesto ng mga Fervens at nakita ko nalang Si Casper na nag uumpisa ng mag lakad palabas, napaka dilim ng awra nya.

Teka anong problema nya?

"Uh-oh, don't let other guys touch you, in front of him" malakas na bigkas ni Henier

"Kyle follow him, kung di mo sya yinaya dito hindi sana sya maba bad trip" wika ni Havier

Teka ano bang pinag uusapan nila. Bat pakiramdam ko ako ang pinariringgan ni Henier?

"Ano ba yan nakakatampo kana ah" wika ni klyde

"Ah s-sorry klyde" lutang kong wika.

Natapos ang pag kain namin ni klyde na lumulutang ang isip ko.

Nang maihatid nya ko sa room ay nag paalam na sya, agad akong pumasok sa loob ng room at wala pang tao?

Napatingin ako sa telepono ko sampung minuto nalang at mag tatapos na ang recess ah bakit wala pang tao dito, napatalon ako ng dahil sa prensensiya ni Zeid sa biglaan nyang pag sulpot

"Don't wake up his assh●le side Cosumption, go away in that man, kung gusto mo pang mabuhay ang lalaking yun" seryosong wika ni Zeid at linagpasan ako, sa unang pag kakataon kinausap nya ako. 

Ngunit mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi nya.

The acts of casper made me confused, and i thought words of Zeid is the answer but its just make the situation more complicated.

Hindi pumasok si Casper, at ang apat lang na Fervens ang nakita ko, lumipas ang mga oras na lutang ang utak ko.

Binibigyan ako ng palaisipan ng mga Fervens na sa ngayo'y diko pa kayang sagutan.


-MAC#07-

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon