CHAPTER TREDECIM

69 1 1
                                    

CHAPTER TREDECIM

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko at nag bibihis iniisip parin ang mga sinabi ni Casper kanina. Haist. Kahit kailan talaga ang gagaling nila mang confused.

Imbes na mag mokmok ako at isipin ang mga sinabi nila Nag pasya na lamang akong bumaba dahil mga walang kwenta ang nasa isip ko.

Nang makababa ako ay naabutan kong sumasayaw ang mga Fervens. Lalagpasan ko na sana sila ng tawagin ako ni kyle

"Maryl, watch us" nakangiting wika niya na medyo pawis na. Sa wakas tumama na rin ang pangalan na itinawag niya sakin.

"Sige, may kukunin lang ako sa kusina" pag papaalam ko.

"Sabay mo na rin ako ng tubig" habol nito 

Agad akong kumuha ng limang bote ng tubig. At bumalik agad ako sa sala. Kung nasan sila. Si Havier ay nag c-cellphone, si Zeid ay mukang pinag aaralan yung ibang step ng sayaw, si Henier naman ay topless na lumapit sakin kaya't tumambad na naman ang anim niyang mga abs. Sa kanilang lima, siya talaga ang mahilig mag hubad ng damit.

"Tulala ka na naman. Di talaga kita masisi halos lahat kasi ng babae na papatulala sa kakisigan ko" mahangin niyang wika.

Nginiwian ko lamang siya at inabutan ng tubig. Na tinanggap niya naman. 

"Woah! Unfair ako nag pakuha iba nauna!" Pag mamaktol ni Kyle

"Pare-parehas lang lahat ng tubig kyle." Wika ko sabay hagis sa kaniya ng bote ng tubig. Nasalo niya naman ito

"Cosumption, where's mine?" Wika ni Zeid na medyo hinihingal pa. Agad ko namang inabot sa kaniya yung tubig. Inabutan ko rin si Havier na nasa cellphone ang atensyon.

"Thanks" tipid na wika nito. 

Napatingin naman ako kay Casper na nakaupo sa sofa habang nakahalukipkip.Nag dadalawang isip pa ako kung ibibigay ko sa kaniya yung pang huling bote na hawak ko. 

"Tara. Start na tayo ulit" wika ni Zeid at nag patugtog na.

Agad namang sumunod ang apat at sinamaan pa ako ng tingin ni Casper kaya't napayuko nalang ako. 

Sabay sabay silang sumayaw at bawat linya ng kanta ay sumasabay sa pag indak ang kanilang katawan.

Si kyle ay may pa kagat labi pa na lalong nakapag pa dagdag sa karisma niya. Si Henier naman ay tumutulo ang pawis sa topless niyang katawan. Si Havier naman ay nakakaagaw ng atensyon ang kaniyang pag ngisi. Habang si Zeid naman ang seryoso niyang mukha na nag mumukhang bad boy ng dance floor.

Napatingin ako sa gitna nila na si Casper. Walang ekspresyon ang mukha niya. Ngunit diretso ang tingin niya sakin. Na nakakapag panindig sa balahibo ko. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.

Sila Havier na lamang ang tiningnan ko. Iningatan ko talaga na hindi tumama ang mata ko sa kaniya. Napangiti na lamang ako ng pinasadahan ni Havier ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. At kumindat sakin.

Halos napatalon ako sa gulat ng may damit na tumama sa muka ko at Nalanghap ang mabangong amoy ni Casper mula doon. 

Sunod sunod na sipol naman ng mag pipinsan ang narinig ko. 

Agad kong kinuha ang damit at napatingin sa pinaggalingan nun. 

Nakita kong topless na rin si Casper. Tumambad ang kaniyang walong abs at dumadaosdos doon ang kaniyang pawis. Agad akong nakaramdam ng init. Kaya't nag iwas ako ng tingin sa kaniya.

Kinagat ko ang aking ibabang labi ng dahil sa kaba. Ano ba itong nang yayari sakin! Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ko binuksan ang bote ng tubig na dapat sana ay kay Casper. Uminom ako ng tubig na nakapag pakalma naman saakin.

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon