CHAPTER UNOS

116 5 0
                                    


Chapter Unos

Ika-lawang linggo ko nang pumapasok sa "Arcanum" pangalan ng school namin, ngunit kahit isa'y wala man lang akong nagiging kaibigan siguro ay dahil sa isa akong iskolar? Napansin ko kasing halos lahat ng nag aaral dito'y puro mararangya, ako lang atah ang nag aaral dito na dukha.

Ako nga pala si Anne Maryl Cosumption, Anne kung paiikliin. Nasa ika-sampung antas na ako ng high school.

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng naramdaman ko ang mga bagong presensiyang dumating, haist napabuga nalamang ako ng hangin, tiyak na magiging maaga ang dismissal namin ngayun.

Dumating na ang guro namin para sa unang asignatura, math.

Pahirap talaga ng pahirap ang mga itinuturo, nasa polynomial function na kame at nasa kalagitnaan na kame ng discussion ng biglang sumigaw ang kaklase kong lalaki "Sinong bumato saakin?!" 

"Hahahahahahaha" tawa ng nasa likod nya.

Tiyak na sya ang mapag bubuntungan ng galit.

"Ikaw yung bumato noh!?" Baling sa kanya ni Fran kaklase kong nabato 

"Hala hindi ako, si kyle yun" sagot ni jeff kaklase ko

Tumingin ako sa bandang likod kung saan prenteng naka upo ang limang mag pipinsan.

Kyle Nathaniel Fervens, ang lalaking puro kalokohan, ngunit sa kabila nun ay may maamo syang mukha hindi mo aakalain na sya lagi ang nag papasimula ng away sa kwarto. Maraming babae ang nag kakandarapa dito. 

Henier Joanne Fervens at Havier Joanne Fervens , mag kambal silang dalawa, at talagang mag kamukhang mag kamukha sila ni hindi ko nga matukoy kung sino sa kanila si Havier o si Henier. Mag kawangis man ang kanilang mga mukha ay malaki naman ang pinag kaiba ng kanilang ugali, si Henier ay laging nakangiti na tila ba walang problema, at kung gaano kalaki ang ngiti ni Henier ganun naman ang busangot na mukha ni Havier, si havier ay masyadong seryoso sa buhay.

Zeid Agustine Fervens, isa sya sa mga tahimik, ang kanyang mukha ay laging seryoso, at mga kilay na laging mag kasalubong.

At ang pinaka huli.

Si Casper Dame Fervens ang pinaka tahimik sa kanilang lahat, sapagkat lagi lamang syang natutulog kung, kung iyo namang masisilayan ang kanyang mga mata wala itong buhay.

Sila'y may kanya kanyang ka-gwapuhang taglay na nakakapag paakit sa mga babae. Natigil ang pag mumuni muni ko ng mag salita si kyle 

"Sigurado ka, jeff na ako ang bumato?" Nakangisi ito habang linalaro ang hawak nyang ballpen.

"Oo" matapang na saad ni jeff

"Gun" tawag ni kyle sa isa sa mga alipores nya dito sa room.

Biglang tumayo si Gun at walang habas na sinuntok sa mukha si jeff agad na gumanti si jeff at nag simula na ngang tumayo ang mga kakampi ng mag kabilang panig hanggang sa mag mistulang may ika tatlong digmaan na ang nagaganap.

Haist. May dalawang grupo na nag hahari-harian ang andito sa room at ang grupong iyon ay hindi mag kasundo. 

"C-class d-dismiss" utal utal na wika ng aming guro na takot madamay sa gulo, wala naman syang magagawa kung mag away away ang mga studyante dito sapagkat masyadong malaki ang ibinabayad ng mga studyante sa paaralan na ito para i-kick out sila o di kaya'y parusahan. Malaking kawalan ang malagasan ng isang studyante dito.

Sa ilang linggo kong pananatili sa paaralan na toh isa lang ang tumatak sakin kung may pera ka ikaw ang sasambahin at kung di hamak na hampas lupa ka lang lumuhod ka sa mas nakatataas sayo

................

Mabilis akong tumakbo para tunguhin ang malaking gate namin na mag sasarado na, ito ang unang araw na nahuli ako sapagkat inumaga na akong gumising.

Napa buga ako ng hangin ng makapasok ako sa gate, ngunit nagulat ako ng may mga pulis at ambulansya na tumambad saakin marami ring mga estudyante na nag kukumpulan na mukhang nakiki usisa lamang.

Ano nga ba ang nang yayari?

Napatingin ako sa cellphone ko limang minuto na akong late!

Agad na akong tumakbo papunta sa aming silid. 

Nang makarating ako ay tahimik ang buong kwarto may mga tao naman ngunit kakaiba ang kanilang katahimikan tila namatayan.

Dire-diretso akong pumasok at umupo.

Haist salamat wala pa ang aming guro.

Tumungo ako upang mag pahinga muna saglit ngunit nagulat ako ng marinig ko ang hagulhol ng isa sa mga kaklase kong babae. Si jenny. Maganda't sexy sya. 

"I-i cant believe t-this, fiola w-was already dead" pumipiyok na wika nito.

Nan laki ang mata ko sa gulat. Teka? Si fiola patay na? Pero nakita ko pa syang nag lalaro ng volley ball kahapon ah?

"What happened jenny? What happened to fiola is she the person who's in the stretcher? Kanina?" Tanong ni Shaine secretary ng room namin.

Tanging tango at hagulhol lamang ang isinagot ni jenny.

"Calling the attention of all students and teacher please come in the in locum synodalem" panawagan ng punong guro namin mula sa speaker.

Agad kameng nag tungo sa in locum synodalem, lugar kung saan kame tinitipon, malaking lugar iyon para lahat ay makapasok at hindi mag siksikan. 

Nang makarating kame ay ilang minuto ang lumipas bago umakyat ang punong guro sa Plataporma.

"Bonum mane(good morning) ipsum(students)" bating panimula ng aming punong guro, isang italyano kaya't pati ang pangalan ng aming paaralan ay latin din.

"I want you to know that one of your school mate passed away, and her lifeless body that bathing of her own blood found in the middle of the forest that part of our school." Wika ng aming punong guro.

Sinundan ng bulong bulongan ang sinabi ng aming punong guro.

"But dont be afraid we make our security more stronger and better to secured your safety. And last thing that i want you to know Fiola Abrante from section viginti passed away and lets pray for her soul to be rest in peace". Pag papatuloy ng aming punong guro.

Saglit na katahimikan at mataimtim na panalangin ang ginawa namin para sa pumanaw kong kamag aral.





-MAC#07-

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon