CHAPTER NOVEM

70 5 1
                                    

Chapter Novem

Nang matapos ang klase ay nag madaling umuwi ang mga Fervens

"Kyle kanino ako sasabay?" Tanong ko dito ng nasa parking lot na kame.

"Uhm"wika niya na parang nag dadalawang isip kung isasabay ba ako o hindi.

"Sige mag lalakad na lang ako" pangongonsensiya ko dito dahil una sa lahat wala na akong pera pambayad sa pamasahe ko, pangalawa sa kanya ako medyo komportable at ang pangatlo na pinaka importante medyo hindi pa ako pamilyar sa daanan.

"Maryl, come here saakin ka sasabay" iritadong wika ni Casper kaya't kinabahan ako, sya talaga ang pinaka mainitin ang ulo sa kanilang lima kaya kung maari ay ayokong lumapit sa kaniya baka patayin niya ako ng wala sa oras.

"Ahm kyle" tawag ko dito, upang sa kaniya nalang sumabay

"Una na ko Casp" wika nito at umangkas na sa motor niya para umalis.

"Maryl make it fast come here we are on hurry" nag mamadaling wika ni Casper kaya't lumapit na ako sa kaniya, pag lapit ko ay agad niyang isinuot saakin ang helmet ng walang pasabi kayat bahagyang nagulat ako.

Bakit niya ba ito ginagawa?

Nang matapos niya akong suotan ay isinuot niya naman ang kaniyang helmet at mabilis na pinaandar ang motor kaya't wala akong nagawa kundi kumapit sa kaniya ng mahigpit.

Mabilis lamang kameng nakarating sa mansion, ngunit may apat na magarang kotse ang bumungad saamin na ikinapag taka ko.

Nang makababa ako ay medyo nahihilo ko pang tinanggal ang helmet at walang pasabing hinila ako ni Casper papasok sa loob ng mansion.

Naabutan namin ang apat na lalaking prenteng naka upo sa sofa, pamilyar saakin ang dalawa sila Mr.Theodore at Mr.Casandro ang dalawa nama'y mukhang ama nila kyle at Zeid, maamo ang mukha nung lalaking kahawig ni Zeid samantalang yung kahawig naman ni Kyle ay seryosong-seryoso.

"Good evening pa, tito" magalang na bati ni Casper sabay bitaw saakin upang lumapit sa kanila at mag mano, hindi ko alam ngunit may mga bumabagabag na saakin, sinasabi ng puso ko na mabuti silang tao base sa kanilang mga ikinikilos samantalang ang isip ko nama'y sila ang pumapatay na nakita mismo ng dalawang mata ko, kaya hindi dapat ako mapanatag at magtiwala sa kanila.

Natigil ang pag iisip ko ng tawagin ako ng papa ni Casper

"Althea halika dito" masiglang bati nito saakin, ngunit napangiwi ako sa pangalang binanggit niya, mag kamag anak nga sila.

Lumapit ako sa kaniya at nag umpisa niya akong ipakilala.

"Its Maria Angelina Cosumption" maling pag papakilala niya saakin.

"Anne Maryl Cosumption po, hindi Maria Angelina" pag tatama ko.

"Hahaha" tawa nilang tatlo maliban dun sa lalaking kamukha ni kyle kamukhang kamukha sya ni kyle, sya nga lang ang seryosong bersiyon nito.

"You already know me right, Theodore, father of Havier and Henier" nakangiting wika ng ama ng kambal.

"Hello dear, im Zackardo, father of Zeid" wika nung kahawig ni Zeid.

Napatingin nalang kame sa lalaking seryoso parin dahil siya nalang ang hindi pa nag sasalita.

"Im Nathan, father of kyle" maikling wika nito.

Ngunit naguguluhan ako bakit sila nag papakilala?

"Ano anne? Kamusta naman ang pasaway kong kambal" wika ni Mr Theodore

Anong isasagot ko? Ni hindi nila sinabi saakin na may meet and greet pala kame ng mga ama nila.

Naiilang akong ngumiti dahil di ko alam ang isasagot ko agad kong linibot ang mata ko para hanapin sila kyle ngunit di ko na sila mahagilap san kaya sila nag punta? hindi ko napansin na nawala sila dahil ang atensyon ko ay nasa kanilang mga ama kanina

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon