CHAPTER SENIO

75 5 0
                                    

Chapter Senio


Halos matumba ako dahil saaking narinig ngunit mabuti nalang at may upuan na malapit saakin upang suportahan ako.

"Ano miss ano ba yung sasabihin mo?" Wika nung pulis na kausap ko kanina

"W-wala p-po ano po kasi y-yung" utal utal kong wika dahil ako mismo sa sarili ko hindi ko alam ang sasabihin

"Ayos ka lang ba miss? Mukang namumutla ka?" Nang aalalang wika ng pulis

"A-ayos lang po ako sir, ahm napadaan lang po talaga ako para uminom ng tubig" pilit kong pinakalma ang boses ko

"Talaga ba miss parang importante yung sasabihin mo kanina ah? Bukod pa sa pag inom ng tubig wala kana ba talagang sasabihin?" Pang uusisa ng pulis saakin

"Wala na po talaga, nauhaw lang po ako" pag sisinungaling ko at pilit na ngumiti.

"Sige na umuwi kana kung wala kanang importanteng sasabihin, gusto mo ba ipahatid pa kita?" Pag alok saakin ng pulis

"Wag na po kaya ko na po" wika ko at nag madali nang umalis, sorry klyde hindi ko kayang mawala ang pamilya ko para sa katarungan ng pag kawala mo. Sorry. Agad kong pinunasan ang mga nag uunahang luha na tumulo mula saaking mata.

--------

Nang makarating ako sa bahay ay may limang magagarang motor ang sumalubong saakin agad ko itong nakilala sapagkat ito ang mga motor na nakakapag agaw ng atensyon sa mga estudyante sa aming paaralan alam ko na rin ang pangalan nito sapagkat lagi itong pinag uusapan.

BMW K1200S kulay dilaw ang kulay nito at pag mamay ari ni kyle

BMW S1000 RR itoy kulay asul at pag mamay ari ni Zeid

Kawasaki ninja H2R, mag kakambal na fervens ang may ganoong brand ng motor, kulay berde ang kay Havier at, kahel naman ang kay Hanier

Suzuki Hayabusa na kulay itim naman ang kay Casper

Sobrang dami ng nag tutumpukan sa harap ng bahay namin kaya't kinabahan akong lumapit, oh hindi nahuli na ba ako?

"Oiii Anne!" Bungad saakin ng kapit bahay kong sing edad ko lamang kaya't kinabahan ako

"Oh bakit?" Tanong ko

"Ang p-pogi ng bisita mo ah, pakilala mo naman ako" wika nito sabay tusok sa tagiliran ko, kaya't medyo nakiliti ako. At nakahinga ako ng maluwag dahil sa tingin ko ay wala namang nangyaring masama sa pamilya ko

Awkward akong ngumiti sa kaniya at tumango, nakipag siksikan ako sa mga taong nag aabang sa harap ng bahay namin.

Nang malapit na akong makapasok ay may biglang humila sa palapulsuhan ko kaya't nilingon ko ito

"Oi anne may artista sa bahay nyo, sabihin mo pa picture" wika nung isa sa mga kapit bahay namin, tanging tango nalang ang ginawa ko.

Kung malalaman lang nila na mga killer ang mga kinahuhumalingan at hinahangaan nila tiyak na kakaripas sila ng takbo.

Nang makapasok ako'y naabutan kong nag sisiksikan ang Fervens. Dahil masyadong maliit ang bahay namin para sa matatangkad na tulad nila.

Mukang nasa labas ang dalawa kong kapatid at ang step father ko dahil si mama lang ang andito, kasalukuyan syang nakahalukipkip sa harap ng mga Fervens.

"Ma" tawag ko sa kaniya dahilan para mapansin nila ang presensiya ko.

"Dumating kana rin sa wakas" seryosong wika ni mama

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya

"Mag hintay lang po muna tayo ng ilang sandali parating na si papa siya ang mag papaliwanag ng lahat" magalang na wika ni Casper kay mama, at diretsong tumingin saakin, kinunotan ko lamang sya ng noo, bakit ang galang nya atah ngayon? At papa nya? Anong gagawin non dito?

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon