CAPITULUM 22

70 1 0
                                    

Capitulum 22

Lumapit samin sila Gray nang mag end ang 1st quarter. Agad inabutan ni Lenneth ng tubig si Ashtone ganun rin ang ginawa ni Veron kay Mathew. Lumapit naman sakin si Gray kaya inabutan ko rin siya. Buti nalang nakabili kame kanina ng mga iinumin bago umalis sa mall. Si Eunice naman ang nagbigay ng tubig kanila Henry at Jairo.

"Ano ba 'yan feeling ko napag iiwanan na ako" hinihingal na wika ni Jairo. Napatingin naman kame sa kaniya.

"Ayos lang 'yan Jai. Bawi nalang kayo sa 2nd Quarter" wika ni Lenneth.

"Huh? Anong 2nd Quarter? Di nyo ko na gets yung sakin kasi referee pero mas mabuti ng referee siya kesa ibato niya sakin yung tubig." Wika ni Jairo bago umalis at lumapit kay Glaiza.

Sinundan ko ng tingin si Jairo at aksidenteng tumama ang tingin ko kanila Casper at Maria. Pinupunasan ni Maria si Casper. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanila at napatingin ako kay Gray na nakatitig sakin. Kinunotan ko siya.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Nothing" wika niya sakin bago sila bumalik do'n para mag laro.

"Goooo Henry! Ashtone! Mathew! Gray! Jairo!" Sigaw ni Eunice pagkatapos ay bumaling sa'min.

"Ano ba mag cheer naman kayo. Andaming nag c-cheer sa mga Fervens kawawa naman sila Henry." Singhal niya sa'min at nag umpisa na namang mag cheer.

"Pero akala ko ba gusto mo si Zeid? Diba mas maganda pa nga na maraming nag c-cheer sa kanila? Tyaka ba't hindi sila Zeid ang i-cheer mo?" Sunod-sunod na tanong ni Lenneth. Nakatanggap naman si Lenneth ng masamang tingin mula kay Eunice.

"Syempre kahit na mga losers sila Henry gusto ko paring i-cheer sila para malaman nila na manalo, matalo susuportahan ko sila." Seryosong sagot ni Eunice at nag cheer na naman. Hindi kaya s'ya mapaos kakasigaw?

Linibot ko ang aking tingin at mas marami nga ang nag c-cheer kanila Casper. Bilang lang sa kamay ang kanila Gray. May mga pan lalait pa ang iba.

"Ang lalakas naman ng loob ng mga 'yan hamunin ang mga basketball players ng Arcanum"
"Tsss matatalo din 'yang mga yan"
"Wala namang panama"
"Di naman sila magagaling"

Bumaling ang atensyon ko kanila Havier na nag lalaro. Kumakaway si Henier at kyle sa mga babeng nanonood. Tuwing nakaka three points shoot naman si Havier ay kumikindat siya. Si Zeid naman ay seryosong nag lalaro pati rin si Casper. Teka ba't parang muk'ang lumalaban sa gera ang mukha ng dalawa samantalang yung tatlo pa chillax-chillax lang.

Tumingin ako kay Eunice na walang awat sa pag sigaw.

"GO HENRY! GO JAIRO!"

Nagulat naman ako kay Lenneth ng tumayo siya at huminga ng malalim bago sumigaw.

"Go ASHTONE!"

Sumunod naman si Veron.

"GO MATHEW!"

Tumingin silang tatlo sakin kaya wala na akong choice kung hindi gayahin ang ginawa nila. Tumingin ako kanila Gray at nakatingin na rin sila saamin nagulat atah, pati rin sila Casper nasa amin--- hindi nasa akin ang atensyon niya.

Napalunok ako ng dahil sa tingin ni Casper. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at bumaling kay Gray.

"GO GRAY" sigaw ko. Sumilay naman ang ngisi ni Gray na nakapag pairita sakin.

Tiningnan ko si Casper at sobrang dilim ng awra niya.

"GO DAME! ANG GALING GALING MO TALAGA" Sigaw din Maria sa kabilang bench. Syempre hindi kame nag patalo.

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon