CHAPTER UNDECIM

78 2 1
                                    

Chapter Undecim

Sinasamahan ako ni ate Cas at sya na rin ang nag libot at nag pakilala sakin sa iba niyang mga pinsan.

Nalaman ko na limang mag kakapatid sila Zeid, kuya niya na si Zack Anthony, sumunod si Zade Adrian, pangatlo si Zeid, Zarch Alvin, at ang nag iisa nilang babae na si Zarraih Alli. 

Sina Henier naman ay apat Si Harvin Jack, yung kambal at ang nag iisa rin nilang kapatid na babae na si  Hazel Jade. 

Sila Kyle naman ay Tatlo at puro lalaki, Klave Nate, Kier Nizz,at si kyle. 

Samantalang sila Casper naman ay ang ate niya, siya at ang junior nila na sobrang cute na si Casandro nasa tatlong taon palang siya. 

Marami pa siyang pinakilala saakin hanggang sa umupo na kame sa isang table kasama si Casandro, andito rin sila Zarraih alli at Hazel jade. Masiyahin din sila tulad ni ate Cas.

"Alam mo ate anne kanina kapa tinitingnan ni kuya Casper you should go to him" wika ni alli at nag hagikgikan silang dalawa ni Hazel, samantalang si ate Cas naman ay pinupunasan ang madungis na mukha ni Casandro dahil sa tsokolateng kinain nito.

Sinulyapan ko si Casper kung totoo nga ang sinasabi ng dalawa at halos mapatalon ang puso ko dahil nakatingin nga siya saakin! 

Natigil ang pag iisip ko tungkol sa kaniya ng mag salita na ang mama nila Havier nasa isang stage sya kaya't kitang kita ang kaniyang kagandahan. 

Napatingin ako sa mala higante niyang cake, pink ang kulay nito at mga bulaklak ang disenyon. At napakagandang tingnan. 

"Maraming salamat sa pumunta sa aking kaarawan, sa mga bumati at sa salamat sa panginoon dahil hanggang ngayon ay hinahayaan niya parin akong mabuhay" nakangiting wika ni Mrs Hannalea

Pag katapos niyang mag salita ay pumunta sila Havier, Henier, Harvin at ang kanilang ama na si Mr Theodore. Lumapit sila sa harap ng isang malaking Cake at mukhang mag w-wish na si Mrs Hannalea

Ngunit napahinto siya at iginala ang kaniyang mga mata sa dagat ng mga tao na naririto. Napahinto iyon saamin, kay Hazel. 

"Gosh! Si tita mag w-wish na Hazel umakyat kana don sa taas" nahihiyang wika ni Zarraih dahil nakatingin narin saamin yung iba.

"Oh, i forgot. Pero pwede parin namang mag wish si mom na wala ako sa tabi niya. Asar nasa akin ba yung candle" pag mamaktol ni Hazel habang pumupunta kung nasaan sila Mrs Hannalea

Nang makalapit na siya doon ay nag umpisa na sila sa pag kuhaan ng litrato.

"Wala na talaga akong mahihiling pa, because my wish is already in front of me. I'm so thankful that God gives me a loveable son and daughter, and a nicest and handsome husband"naluluhang wika nito habang kaharap niya ang kaniyang pamilya. 

Dahil sa sinabi ni mrs. Hannalea ay yinakap siya ng kanyang mga anak at ni mr Theodore.

Pag katapos nilang mag yakapan ay nag kantahan na ang lahat ng happy birthday at sabay sabay sila mrs. Hannalea sa pag ihip ng kandila.

"Maryl pabantay muna si Casandro, kukuha lang ako ng foods natin" wika ni ate Cas. Tumango lang ako sa kaniya at umalis na siya

Napatingin ako kay Casandro na kasalukuyang naka upo sa tabi ko, buti na lang at hindi siya iyakin

"Hey, casansandro. Ang cute mo" wika ko dito sabay pisil sa pisngi niya

"I know" wika nito at umirap sakin.

Aba't an taray ah, mana atah to sa magaling niyang kuya. Uso ba sa kanila ang mag taray huh? Buti hindi nahawaan si ate Cass.

Nag paalam si Zarraih na lalapit kanila Hazel kaya kame na lamang ni Casandro ang naiwan dito.

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon