CHAPTER SEPTEM

70 5 1
                                    

Chapter septem

Nasa kalagitnaan ako ng takot ng biglang lumitaw sa harap ko si Kyle

"Hello! Anna" masiglang bati nya saakin, diko alam kung tama bang sabihin kong saakin dahil iba ang binigkas niyang pangalan. Lagi na lamang maling pangalan ang naiitawag nila sakin kaya kailangan kong sanayin ang aking sarili sa iba't-ibang pangalan na bibigkasin nila.

Tiningnan ko lamang siya at nilampasan

"Oi! Grabe ka ah di mo ko pinapansin" nakangusong wika niya, at dahil don bigla kong naalala si klyde.

"A-ano ba kasing sasabihin mo" wika ko

"Sasabihin ko lang na ako ang mag susundo sayo, mamaya" nakangiting wika niya 

"Gosh why Kyle is talking to her" bulong bulongan ng mga nakaka salubong saamin.

Napatingin ako sa kanila at pinasadahan nila ako ng masamang tingin. Kaya't dumistansiya ako mula kay kyle

"Sige na kyle, mauuna na ako" wika ko at naunang mag lakad sa kaniya.

Nang makarating ako sa room ay agad akong hinarangan ng muse namin si Jannah Buenaventura

"Excuse me" magalang kong wika sa kaniya

"I didn't know that you and kyle are close" nakahalukipkip niyang wika at nakataas ang isa niyang kilay

"Hindi kame, close" kalmadong wika ko sa kaniya

"Really? Then why is he talking to you, are you FLIRTING WITH MY KYLE?" Mataray niyang saad at pinag diinan pa ang flirting

Napahinga nalang ako ng malalim upang pigilan ang inis ko

"Hindi kame close ni kyle, at hindi ako nakikipag landian sa kaniya. Kinausap niya lang ako dahil susun-" naputol ko ang sasabihin ko ng mapag tanto kong madudulas na naman ako

"Dahil what?" Iritadong wika ni Jannah

"Dahil susu-nod nalang daw siya sa mga pinsan niya dito, pinapasabi niya, at dahil ako lang ang nakita niyang classmate kaya sakin niya pinasabi" nakangiting wika ko

"Okay, ako nalang ang mag sasabi sa kanila" wika nito at tinarayan muna ako bago siya pumasok sa loob at pinuntahan ang mga Fervens, bahala na sya diyan kung mapahiya siya. 

HAIST ako makikipag landian sa mga killer na yun kahit kailan hindi ko inisip na papatol ako sa p-pumatay sa kaibigan ko.

Napayoko nalamang ako ng maaalala ko na naman si Klyde. Nakakamiss kana klyde wala ng nanlilibre saakin, pinunasan ko nalamang ang takas na luha mula saaking mga mata.

Lumipas ang mga oras at mag uuwian na agad akong linapitan ni kyle

"Tara na Angela" yaya nito
Napapikit na lamang ako ng dahil sa mali niya na namang pag tawag sa pangalan ko, napagala ang mata ko at nakita ang mga kaklase kong babae na masamang nakatingin saakin. 
Galing mo talaga kyle, Haist!

"Kyle sa labas nalang susunod ako, pwedeng dun mo nalang ako hintayin sa may balete tree?" Wika ko

"Ano tatakas ka lang" pag tanggi  nito

"Look hindi ako tatakas okay, alam ko naman ang kaya niyong gawin sa pamilya ko" seryosong wika ko 

"Sige i'll give you five minutes at kapag wala ka pa susunduin na kita" wika ni kyle at nauna nang umalis

Nang makaalis na siya ay nag umpisa na akong mag ligpit ng mga gamit ko at kagaya nga ng inaasahan lumapit saakin yung mga kaklase kong babae sa pamumuno ng aming muse

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon