CHAPTER SEDECIM

62 3 0
                                    

Chapter Sedecim




Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw na tumama sa'king mukha. Napatingin ako sa gilid at nakita kong nakapikit ang mga mata ni Casper habang naka upo sa may sofa malapit sa kama.

Teka? Ba't dito s'ya natulog?

Akmang lalapitan ko na sana si Casper ng tumunog ang aking cellphone. Isang di kilalang numero ang tumambad sakin kaya't nag dalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito o hindi, ngunit sa huli ay pinili ko paring sagutin.

"Hello?" Wika ng isang pamilyar na tinig.

Teka si- hindi ko na natuloy ang aking tanong ng siya na mismo ang sumagot.

"Si Veron 'to Maryl"

"Ah, napatawag ka? Tyaka san mo nakuha yung number ko?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Sa student documents" sagot niya sakin

"Pero diba bawal pakialaman 'yon?" Tanong ko ulit sa kaniya

"Kasi naman diko alam kung saan ko makukuha yung number mo kaya yun pinake-alaman ko yung documents sa school buti nalang talaga at isa ko sa school officer kaya pwedeng pwede ako makapasok dun sa office nga pala pati address mo nalaman ko na rin. Tyaka papunta nga pala kame ngayon sa bahay n'yo susunduin ka namin para tulungan kame, may mga gagawin kasi tayo. Haist nakakainis nga eh suspended nga yung klase pero mukang mas pinalala pa nun yung trabaho natin, mas dumami" problemadong wika ni Veron

Teka? Ano? Papunta sila sa bahay? Pano pag sinabi ni mama na wala ako dun, na nasa bahay ako ng mga Fervens nakatira? Oh noes!

"Ano veron teka! Wag sa bahay sa school nalang tayo mag-" diko na naituloy ang sasabihin ko ng mag salita si veron.

"Ano Maryl? Cho-ppy ka di-ko maintin-dihan ano nga ulit sinabi--" putol-putol na wika ni Veron at naputol na nga ang linya.

Haist pano na 'to?! Agad akong kumuha ng jacket at nag madaling bumaba.

"Oh Ann, san ka pupunta?" Tanong ni Kyle sakin.

"Sa bahay" mabilis kong sagot sa kaniya.

Palabas nako ng pinto ng may humila sakin.

"Diba kagagaling mo lang sa sakit? May lagnat kapa ba?" Nag aalalang tanong ni Havier at pinatong niya ang kaniyang palad sa aking noo.

"Ah wala na" agad kong inalis ang kaniyang kamay. Ngunit hindi niya parin binibitawan ang aking braso kaya't di ako makaalis.

"Ba't nag mamadali ka?" Seryosong tanong nito

Bahala na sasabihin ko nalang yung totoo

"Pupunta kasi sila Veron ngayon sa bahay. Baka masabi ni mama na dito ako nakatira" paliwanag ko dito.

"Anong masama kung malaman nila na dito ka nakatira?" Seryoso paring wika ni Havier.

Ano ba yan ba't ba masyado 'tong matanong. Tyaka anong masama? Susugurin lang naman ako ng mga fans nila kung mag kataon na malaman ng lahat. Kaya mas magandang ako lang nakaka alam, kame lang.

Napabuntong hininga muna ako. Ayoko talagang nag sisinungaling pero mukang ito lang yung paraan para tigilan niya na ako.

"Tyaka nalaman ni mama na nag kasakit ako. Nag aalala siya kaya bibisitahin ko na rin" nakayuko kong paliwanag kay Havier.

"Bitawan mo na s'ya Havier, siguradong maiinis si Casper pag nakita niya kayo sa ganiyang sitwasyon." Napatingin ako kay Henier na kagigising lang, tulad ng nakagawian niya topless siya at magulo ang buhok. Pero ang diko inaasahan seryoso siyang nakatingin saamin. Hindi ako sanay, dahil lagi siyang nakangisi pag nakikita ko siya. Pero ngayon, ba't kakaiba?

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon