CHAPTER OCTONARIUS

67 4 0
                                    

Chapter Octonarius

Kinabukasan ay maaga akong nagising.

Agad kong inayos ang aking sarili upang pumasok.

Nag mamadali ako upang hindi ako maabutan ng mga Fervens dahil di sila sang ayon sa sinabi ko kagabi na WAG SILANG LALAPIT SAAKIN KAPAG NASA SCHOOL KAME dahil mag kakagulo lang at sisikat ako ng sobra dahil sa mga tagahanga nila. Haist. 

Bubuksan ko na sana ang door knob ng may humila sa braso ko, kaya't nilingon ko ito

"Where are you going" namamaos na wika ni Henier halatang bagong gising siya dahil gulo gulo ang kaniyang buhok ngunit angat parin ang pagiging matikas niya

"P-pasok" kinakabahan kong wika

"Sumabay kana saamin, you haven't eating yet" inosenteng wika niya na animoy di niya alam na talagang tatakas lang ako

"S-sige" pag sang ayon ko sa kaniya dahil kung kokontra pa ako ay maaaring akalain niya na tatakas lamang ako, at magiging maaga ang pag kitil nila sa buhay ko. 

Pumunta siya sa kusina kaya't sumunod rin ako sa kaniya, ilang akong umupo sa upuan malapit kay Zeid na ngayon ay nag kakape

"Good morning Cosumption" bati niya saakin kayat tumingin ako sa kaniya

"G-good morning din" ilang kong wika sa kaniya

"Teka naka uniform kana agad, ang aga pa ah" puna saakin ni Zeid

"Ah oo kasi balak ko sanang maagang umalis" wika ko, at nag iisip na ng dahilan kung bakit kailangan kong maagang umalis

"Bakit?" Tanong ni zeid 

"Kasi- ano ah, kasi diba late na kayong pumapasok kaya yon naisip ko na mauna nalang, magagalit si mama kapag nalaman niyang na late ako" pag papalusot ko

"I see," wika niya habang tumatango

"Pero wala pang naluluto si Casper 'cause he still sleeping, at sya rin ang reason kung bakit nali-late kame, but if you still insist na mauna you may go" wika ni Zeid

"Is cereal is enough for you" alok sakin ni Henier

Tango na lamang ang ginawa ko, masyadong mabait ngayon ang mga Fervens ah, ngunit hindi dapat ako mag palinlang, pakitang tao lamang ang kanilang ginagawa.

Pag katapos kong kumain ay umalis na ako, hinatid ako ni Henier palabas sa gate at tinuro niya saakin ang sakayan papunta sa school, kulay puti ang tricycle 

Nang makarating ako sa campus ay ambulansiya at pulis ulit ang bumungad saakin isang bangkay ulit ang bumungad saakin.

Nakayuko akong nag lakad dahil kilala ko ang pumaslang sa kaniya ngunit hindi ko magawang sabihin.

Patawad.....

Dumiretso ako sa room at umupo, bakit kailangan nilang pumatay? Kailangan ko na bang diretsuhin sila ng tanong? Siguro maitatanong ko rin ito balang araw, hindi pa ngayon dahil hindi ko kaya.

Maya maya lang ay narinig ko na ang boses ng aming punong guro 

"Bonum mane ipsum, i want you to know that Biance Albina from section Decem passed away, lets pray for her soul to be rest in peace" anunsyo ng aming punong guro.

Araw araw na lamang na ganito ang aking naririnig ngunit ibat ibang pangalan nga lang hindi na ba talaga matitigil itong pag patay.

Nang makarating ang mga Fervens ay kinabahan ako, dahil sa mga maaari nilang ikilos na nakakapag kalabit sa pag kakainis ng kanilang mga tagahanga, pano kaya pag nalamang nilang doon ako nanunuluyan sa bahay ng mga Fervens? Tiyak na kukuyugin nila akong lahat, napailing na lamang ako sa aking iniisip

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon