CHAPTER VIGINTI

67 4 0
                                    

Chapter Viginti

Pag katapos naming kumain ay napag pasiyahan nilang mag m-movie marathon kame dahil wala namang pasok bukas. 

Na text ko na rin si Veron na mga 1:00p.m na kame mag kita dahil mukhang mag pupuyat talaga kame sa panood. Mabuti't pumayag naman si Veron.

Sila Casper at Maria ay nasa kusina para gumawa ng popcorn.

"Anong panonoorin natin?" Tanong ni Kyle. 

"Fifty shades of Gray" suhestiyon ni Henier. Sabi ng mga kaklase ko maganda daw 'yon at diko pa napapanood. Gusto kong panoorin.

"Sige payag ako" wika ko na ikinilaglag ng panga nila.

"Pangit 'yon" agad na kontra ni Havier.

"Pero diko pa napanood 'yon. Gusto kong panoorin" wika ko sa kanila.

"May idea ka ba kung anong mapapanood mo do'n?" Tanong sakin ni Zeid na nakangisi. 

"Love story daw?" Hindi ko siguradong sagot kay Zeid.

"Mas magandang panoorin mo 'yon pag kayong dalawa lang ni Casper" wika ni Henier. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Alam niya namang ang anlamig ng pakikitingo sakin ngayon ni Casper.

Napagpasiyahan nilang Wrong Turn nalang ang panonoorin namin. Nang matapos sila Casper nag simula ng i-play yung movie na napili.

Habang nanonood ay kuha lang ako ng kuha ng popcorn. Napapatingin ako kay Maria na sobra kung makakapit kay Casper. 

"Natatakot ako Dame" wika niya kay Casper. 

Haist diko na masyadong naiintindihan 'yong pinapanood ko kasi naman naaagaw nila Casper at Maria ang atensyon ko.

Pilit kong hindi sila pansinin hanggang sa dumating na sa exciting na part yung palabas, hinahanap na ng mga killers yung babae. Kung pag babasehan mo parang totoo yung story. Haist mga killers nga naman gusto panoorin yung kapwa nila. Ang pinag kaiba lang nila ay gwapo ang mga Fervens.

Kukuha pa sana ako ng popcorn ng may nahawakan akong kamay. Agad kong tiningnan kung sinong may ari nito. Si Casper! Saglit niya lang akong tiningnan bago bawiin ang kamay niya na parang walang nangyari.

Haist nahihirapan na ako sa pag trato niya sakin ng ganito. 

Hindi ko na naintindihan ang kwento ng mag umpisa ng mag sara ang talokap ng aking mata. Maya-maya ay may naramdaman akong braso na bumuhat saakin.

"It's better for me to stay away from you Ryl. Being near to you will make everything complicated" wika nito at naramdaman kong inilapag niya ako sa kama bago halikan ang aking noo. Si Casper ba 'to? Siya rin ba 'yong nag buhat saakin nung nakaraan? Haist. O baka panaginip lang 'to?

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Agad akong nag handa dahil may lakad ako maya-maya.

Pag kababa ko ay nakanguso sa'kin si Kyle.

"Bakit?" Taka kong tanong sa kaniya.

"Walang pag kain. Si Casper kasi tulog pa" reklamo niya.

Nginitian ko na lamang siya kahit kailan talaga ang takaw nito.

"Saglit lang mag luluto ako" wika ko sa kaniya. 

Pag katapos kong mag saing tiningnan ko ang ref kung may laman. Ngunit wala na.

"Di parin gising sila Casper?" tanong sakin ni Henier. Napatingin ako sa kaniya topless siya at pawis na pawis. 

"Lagi namang matagal magising si Casper" wika ko kay Henier.

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon