CHAPTER DECEM

74 5 1
                                    

Chapter Decem

Pag katapos naming kumain ay bumalik na kame sa mansion at mukhang naunang dumating sila kyle.

"So hows your date Casper?" Nakangising wika ni Henier
Inirapan lamang siya ni Casper bago umakyat sa taas samantalang ako ay hindi na lamang pinansin ang sinabi ni Henier.

"So kamusta nga?" Baling sakin ni kyle na nakangising aso.

"Bumili lang siya ng regalo Kyle" matabang kong wika dahil alam ko kung ano anong tumatakbo sa utak nito

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.

Naabutan ko dun si Zeid na sobrang dungis may mga harina ang mukha niya at mukha siyang frustrated kaya't nilapitan ko siya

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko dito

Saglit niya muna akong tiningnan bago siya sumagot

"Nag b-bake" wika nito habang minamasa yung harina.

Napatingin ako sa buong kusina at sobrang kalat may nakita din akong sunog na cake, hindi ko alam kung cake nga ba talaga ang tawag dun.

"Tama na yan Zeid haha t'yak na ma d-disappoint lang si mama kapag ang mga sunog na cake na yan ang binigay mo" pang aasar ni Havier, na kapapasok lang.

Kung ganon ipang reregalo niya rin yan? At sa muling pag kakataon nahaplos na naman ng mga Fervens ang puso ko, may mga bagay talaga silang ginagawa na diko inaasahan.

"Shut up Havier, pag natuto akong mag bake hindi kita bibigyan" seryosong wika ni Zeid at nasa pag mamasa parin ng harina ang atensyon niya.

"Seryoso ka jan Zeid eh, pang pitong subok mo na yan, tyaka hindi natin larangan ang pag luluto its for Casper kaya better to ask his help" pang aasar nito.

"I can do this Havier without his help" wika nito na nasa ginagawa niya pa rin ang atensyon

Napangiwi ako sa kaniyang mga maling ginawa kahit naman papaano ay may kaunti akong alam sa pag b-bake dahil itinuro ito saamin dati. 

"Gusto mo ng tulong Zeid?" Pag alok ko sa kaniya dahil kung hahayaan ko lamang siya baka mag katotoo nga ang sinabi ni Havier.

"Pwede?" Biglang umaliwalas ang mukha ni Zeid dahil sa pag alok ko ng tulong.

Gumawa kame ng Straw berry cake dahil iyon daw ang paborito ng kanilang tita, siya na daw ang mag lalagay ng design dahil halos ako lang daw ang gumawa ng lahat kahit na hindi naman talaga at ginabayan ko lamang siya, medyo pumapangit ang design niya kaya't inaalalayan ko ang kamay niya at hinawakan ko ito upang igalaw.

"What a sweet scene huh" halos mapatalon kame ni Zeid sa gulat ng marinig namin ang sarkastikong wika ni Casper na nakahalokipkip habang nakasandal sa pinto, hindi ko pinansin si Casper at nag patuloy.

"I can do this alone Cosumption thanks for your help" wika nito kayat hinayaan ko na siya, nag pasalamat si Zeid sa unang pag kakataon, narinig ko ang isa sa mga Fervens na mag wika nito. Nakakagulat

"Welcome" nakangiting wika ko dito. Narinig ko naman ang padabog na pag sarado ni Casper sa pinto at ano naman kaya ang problema nun?

Pumunta ako sa sala para manood at naabutan ko si Casper na nakahalokipkip at busangot ang mukha habang nanonood ng TV, sa sahig naman ay nakita kong may pinang didikit si Henier sa pulang Cartolina na mga larawan

Dinungaw ko ang kaniyang mga ginagawa at masasabi kong sobrang panget nito, dahil kulay pula nga ang cartolina may mga bahid narin ng pula ang mga larawan na akala moy pinahidan ng dugo. Haist another mess 

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon