CHAPTER OCTODECIM

59 2 0
                                    

Chapter Octodecim

"Tulad ng mag partner kagabi sila parin ngayon. Kayong apat Ashtone,Lenneth, Jairo at Glaiza. Tumulong kayo sa Drama Department. Kayo Henry at Eunice yung mga pompoms ibigay nyo na sa mga cheerleader. Maryl at Gray yung mga pag kain na ni-pack nyo ipamigay nyo na. Kame naman ni Mathew ang mamimigay nitong Banner sa mga nag pagawa" mahabang paliwanag ni Veron

Haist mukhang wala ng choice lagi talaga kameng mag kakasama ng werdong si Gray.

Nag tungo kame sa Dance club at ipinamigay ang mga pag kain. Mukhang wala pa sila Casper dito. 

Palabas na kame ng mag datingan sila at laking gulat ko ng makita kong kasama nila si Maria nakapulupot siya sa braso ni Casper. Agad namang nag init ang ulo ko at lumabas sa Dance Club ngunit agad akong napahinto ng tawagin ako ni Havier.

"Can i borrow her for a while?" Pag hingi ng permiso ni Havier bago ako hilain palayo.

Nang kame nalang dalawa nag salita na si Havier.

"You should stay away from that man Maryl" seryosong wika ni Havier

"Huh? Sinong tinutukoy mo? Si Gray?" Pangongompirma ko.

"Oo" sagot ni Havier.

"Ba't naman ako lalayo kay Gray?" Tanong ko kay Havier.

"He's not good for you. Please Maryl stay away from that man if you don't want to change everything" sagot sakin ni Havier bago ko iwanang nakatulala.

Ano na naman ba ang nangyayari?

Nang bumalik ako sa katinuan agad akong nag tungo kay Gray.

"Ba't ngayon ka lang? Tsk" wika nito at nauna ng mag lakad. 

Habang nasa likuran ako ni Gray diko maiwasang mag isip tungkol sa sinabi ni Havier kanina. Hindi kaya? Gagawin din nila kay Gray ang ginawa nila kay Klyde dati? Pinapalayo din nila ako kay Klyde no'n. Napatingin ako kay Gray. Hindi pwede, hindi pwedeng may patayin na naman sila. 

Napahinto ako ng lumingon sakin si Gray na may kunot na noo. 

"Anong klaseng mukha 'yan?" Asar niya sakin at pinitik ang noo ko. Agad akong dumistansiya sa kaniya.

"A-ano G-gray bilisan nalang natin ang pag bibigay ng mga 'to" tukoy ko sa mga box na dala namin. Dalawa ang sa kaniya habang isa lang ang saakin. Ang dalawa ay binigay na namin sa Dance Club. Habang ang lima pang natitira ay nasa van.

Habang namimigay ako ay may lalaking lumapit saakin.

"Miss, you are such a beautiful lady to become a servant." wika niya sakin. Medyo naiilang ako sa kaniya dahil parang may pag nanasa siya kung makatingin.

Hindi ko siya pinansin at lalagpasan ko nalang sana siya ng hinawakan niya ang braso ko.

"Saglit lang miss may I know your name?" Tanong nito saakin, ngunit diko siya pinansin.

"You didn't talk to me huh, then miss servant can you open this?" wika niya at inabot sakin ang bote ng coke. Pag bukas ko ay agad itong sumabog kaya't nabasa ang mukha at ang damit ko.

"Miss Servant mukang mas masarap ka kesa sa coke" wika nito saakin. Lalapitan na niya sana ako ng makaramdam ako na may bumalot saakin.

"Stop pestering her dude" wika ni Gray. Diko makita ang reaksiyon niya dahil natatakpan ako ng... Teka coat niya ba 'to?

"Who are you? An another servant trying to be a knight and shining armor. Huh?" Sagot nung lalaki kay Gray.

"I don't waste my time to talk in a mouse" malamig na wika ni Gray. Bakit gano'n naaalala ko sa kaniya si Casper? 

The Five Hot Killers and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon