UD 32.

3.7K 86 5
                                    

Aly's

After having a conversation last night with Den, I have made up my mind. Tutal, tama naman si Den e, hindi to makakabuti sa relationship namin ni Pots, na deep inside, may alinlangan ako.

When coach told us that we'll have a break until next practice later, I quickly rushed to the shower room and took a quick bath. At tulad ng napagdesisyunan ko, pupuntahan ko si Pots para makapag usap na kami tungkol sa nangyari.

"O, bakit nagmamadali ka?" tanong ni Ella nang makita ako na isinasaksak na lang yung gamit ko sa bag ko.

"May pupuntahan lang ako."

"Kay Bang?" biglang singit ni Den na bigla na lang sumulpot sa likod ni Ella.

Nginitian ko siya at nagpatuloy sa pagsaksak ng gamit ko sa bag ko, "Oo. Di ba sabi mo, kausapin ko siya?" 

Lumapit siya sakin tapos kinuha isa isa yung mga nilagay ko sa bag ko at nag umpisang maayos na tiklupin,

"Alam ko sinabi ko yun, pero hindi ko naman sinabi na agad agad." parang may inis na sabi niya.

"Uhm...maiwan ko muna kayo." naiilang na paalam ni Ella. Hindi naman siya pinansin ni Den, at ako, nginitian lang siya.

Muli akong tumingin kay Den para magpaliwanag, "Ganun din naman yun, Den. Di ba kung ngayon na, edi alam ko na agad? E kung mamaya pa, edi buong araw ko yun iisipin?"

"I get your point, pero di ba may practice pa tayo mamaya? Second game ng finals bukas Ly."

"Mamaya pa naman yun, " tumingin ako sa orasan ko, "o, 10 pa lang, 2 pm pa call time natin."

Tinigil niya sandali yung pagtitiklop saka bumaling ng tingin sakin, "Magbabyahe ka pa papuntang Adamson, mag uusap pa kayo. For sure, hindi naman isang oras lang yung usap niyo. Tapos magbabyahe ka pa pabalik. Paano ka aabot ng 2?" 

"Edi pag hindi umabot..parusa. 5? 10 lapses? Bahala na." I shrugged pero nakatitig lang siya sakin.

Linapit ko yung muka ko sa kanya para bumulong, "Di ba nga sabi mo, phenom naman ako? Kaya ko yun." sabay ngiti para maalis yung pag aalala niya.

Pero hindi umubra. Nakasimangot pa rin at tuloy sa leksyon nya sakin,

"Aly." firm niyang sabi, "pwede bang unahin mo muna yung practice natin mamaya?"

Marahan kong inagaw sa kanya yung bag ko, "Den. Ok lang, okay? Aabot ako sa practice. Kaya ko yan, Hmm?"

Tumalikod na ako sa kanya at dumiretso patungo sa kotse ko.

"Aly." tawag ni Den pero hindi ko na siya nilingon, 

"I'm going na, Den."

—-

Nakita ko na si Pots, kasama si Mands na palabas ng main door ng dorm nila. Unang nag approach at yumakap sakin si Mands, "Oh, Aly...andito ka na naman? Parang hindi ka na pumapasok a?"

"Sobra ka, parang sawang sawa ka na sa pagmumuka ko a?", sagot ko habang humihiwalay sa yakap namin.

Inaasahan ko na sunod na lalapit si Pots pero hindi siya gumagalaw at tulala lang, kaya ako na yung tumabi sa kanya. Pero wala pa rin siyang imik.

Ano kayang iniisip nito ni Pots? Ni hindi niya man lang ako nginitian...

"Ako, sawa na. E kaso kayong dalawa, parang hindi naman." Turo ni Mands saming dalawa. Pinilit ko naman tumawa para kay Mands, kahit na na kay Pots talaga yung atensyon ko.

Hindi pa rin siya nakibo kaya tinusok ko yun tagiliran niya, "Pots! Haha..."

Tinapunan niya ako ng isang blankong titig,

Who Is Meant? AlyDen? BangLy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon