UD 31.

3.5K 66 1
                                    

Bang's


Hindi ko na nagawa pang pumasok sa klase matapos ang usapan namin ni Ara. Agad akong dumiretso sa room namin ni Mands. 

Sigurado akong wala siya doon kaya mag isa lang ako at magagawa kong makapag isip.

Nahiga ako sa kama ko at patuloy pa rin sa pag-replay sa tenga ko ang sinabi ni Ara...

"Oh, come on, Bang. Nakita mo na ba kung gaano kataas yang si Aly? Sikat na nga siya e di ba?..."

"...Tapos she started being with you..."

"...I heard wala na siya sa Dean's List."

Hindi naman ililihim sakin ni Aly kung mawala siya sa Dean's list di ba? 

Am I dragging her down nga ba?

Ako nga ba yung dahilan?

"Hooooy!!" may bigla akong narinig mula sa pinto at may bumagsak sa aking throw pillow.

Napaupo ako bigla at napatitig lang dun sa taong sumigaw dahil sa gulat ko.

"Ay pambihira! Pano na lang if masamang tao yung pumasok dito? Gising nga tulala naman? Pambihira, Bangnita...talaga naman." tuloy tuloy niyang sermon.

"Amanda, ako pa talaga? E mukang yung sigaw mo yung papatay sakin e." reklamo ko habang nakahawak sa dibdib ko.

"Aba naman kasi, kanina pa ako nagsasalita. E kung magnanakaw yun? Baka limas na gamit hindi mo pa rin pansin?"

"Exagge!" sabay higa ko ulit sa kama.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya. Nakatalikod siya sakin at may kinakalikot dun sa aparador niya

"May naiwan ako.", sabay lingon sakin, "E ikaw! Bakit andito ka??"

"Masama pakiramdam ko."

"Huwe?" binigyan niya ako ng isang matalim na tingin at lumapit sakin.

Nilagay niya yung kamay niya sa noo ko,

"Oo nga..." sabi niya na patango-tango.

"Katam...wala pa naman gamot dyan." sabay palo sa ulo ko at pailing iling.

"Naku ang tagal ka naman mahawaan ng kasipagan ni Dean's lister..." wala sa loob na komento niya at tumalikod na ulit sakin.

Pero sa akin, parang sampal na naman yun ng katotohanan...

"What if siya yung mahawa ko?"

"Naku!" sigaw ni Mands sabay sign of the cross, "maawa ka naman kay Aly, Bang. Wag naman ganun."

Tawa siya ng tawa at patuloy sa joke niya, "Nakikita ko pa naman na baka maging presidente ng Pilipinas yung girlfriend mo tapos hahawaan mo. Naku, Bang, wag ganun."

Nang mapansin niyang hindi ako nagrereact sa mga sinasabi niya ay lumingon ulit siya pabalik sakin, nakatitig lang ako sa kanya.

Halata yung lito sa muka niya, 

"Pala Mands...kanina, "

Sakto naman na may kumatok sa pinto namin, "Bang, may naghahanap sa'yo..."

"...Atenista." sigaw nung nasa labas.

"Speaking...mamaya na lang natin pag kwentuhan yang sasabihin mo..." ngiting ngiti niyang sabi at sumama sakin pababa para makita si Pots,

"Oh, Aly...andito ka na naman? Parang hindi ka na pumapasok a?" bati ni Mands habang tumatawa at niyakap si Aly.

Who Is Meant? AlyDen? BangLy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon