UD 20

4.4K 71 5
                                    

Bang’s

I was awoken by the ringing of my phone.

My mind is arguing if I should answer the phone, I am damn tired sa game namin kanina. Pero iniisip ko rin na it could be Aly who is calling.

Pero hindi niya nga ako kinokontak after niyang mag paalam kanina e.

We spent time together kanina before the game and she was also there sa game pero after that, nag paalam na siya. She didn’t even congratulates me nor at least say ‘good game’, sabi niya lang she needs to be back sa Ateneo.

Alam niya man lang kayang birthday ko bukas?

 Napangiti ako ng makita ko ang oras. 11:40 PM.

Tingin ko alam niya nga…

"Hello?" I said.

"Hi, pretty..." , she answered sounding smiling.

A simple talk like this makes me realize how much this girl means to me. It always makes my heart flutter.

"You really didn't text me the whole day to do this, don't you?"

"Do what?" pag mamaang-maangan niya.

But despite of being few months together, I fairly know Aly, she’s sweet and loves surprises.

 "Hmm?" I replied.

"I just thought that you're probably tired, may laro ka kanina di ba?"

"And you think at almost 12 in the midnight, I am no longer tired?", though she can’t see it, I rose an eyebrow.

"Hmmm...yeah? Haha… But I haven't told you yet, you were so great kanina sa game niyo."

"Proud of me?" Paglalambing ko.

"Sobra."

Hindi ko maipaliwanag pero sadyang mayroong ibang dating ang lahat ng salita ni Aly, lalo na kapag na a-appreciate niya ko.

"Kinikilig ka ba?"

"Hindi a...", Kahit na ang totoo ay oo. Oo, kinikilig ako, sa simpleng bagay na ‘yon, kinilig ako.

Tapos ay narinig ko na siya magbilang. Naguluhan ako…

"55..."

"56..."

"57..." patuloy pa rin niya…

"58..."

"59..."

Tapos ay…

"Happy Birthday, Pots. Happy Birthday, Mahal ko.", sabi niya.

“Happy Birthday, Mahal ko..."

“Happy Birthday, Mahal ko..."

“Mahal ko..."

“Mahal ko…"

It keeps playing on my mind and my heart keeps on dancing as if it is music.

Naalala ko ang lahat ng takot na bumalot sakin noong naramdaman kong nahuhulog na ako sa kanya, lahat ng alinlangan na naramdaman ko ng simula kong tanggapin sa sarili kong mahal ko na nga siya, at lahat ng pangamba na paano kung hindi tulad ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya.

Nakakatuwang isipin na isinantabi ko ang lahat ng iyon at kasama ko ang taong mahal ko.

Dahil hindi ko maisip kung mawawala siya.

"Aww...Pots...salamat. Salamat, Mahal ko."

Ang sarap isipin na mahal ako ng taong mahal ko.

"Mahal na mahal kita, Pots." Sabi ko.

Who Is Meant? AlyDen? BangLy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon