UD 28.

4.3K 76 8
                                    

Den's

"Oh, hindi ka aalis?" tanong ko kay Aly na nakadapa pa rin sa kama niya at nanunuod ng youtube.

Tumingin siya sakin,"Hindi e. Dito na lang muna ako magsisimba sa loob."

"Himala, wala kang date?" subok kong pang uusisa.

"Wala e. May commitment daw siya."

"Aahh...edi wala kang kasama magsimba?"

Ayokong maramdaman pero parang gusto kong magstay na lang dito...gusto kong sumama na lang kay Aly ngayon...

"Ewan ko kung may naiwan dito sa dorm...pag wala siguro, ako lang." kibit balikat niya.

You're making me stop again from moving forward Aly...bakit ba sa tuwing nagdedesisyon ako na lalayo na ko sayo, may nangyayari para umasa pa rin sayo?

"Ikaw? May lakad? Uuwi ka ba?" tanong niya.

"Ano...kasama ko si LA..."

"Wow...date?" Bakit mo ba kailangan sabihing 'wow', Aly? Talaga bang wala kang kahit na kaunting nararamdaman sakin kaya wala kang pakialam kahit na sumama ako sa iba?

"Ahmm...siguro."

"Sige, enjoy ha? Tsaka pasalubong." tuwang tuwa niyang sabi, hindi naman ako nakasagot dahil patuloy na nagtatalo ang puso at isip ko kung aalis ba ko para ituloy ang unang hakbang ko sa pagmo-move on o manatili dito kung saan masaya ang puso ko?

"Oo, sige..." naglakad ako patungo sa pinto pero parang sadyang ang bigat ng mga hakbang ko.

Hayy, Dennise! Make your decision...kung pipilin mong umalis, kailangan mong pangatawanan...pero kung mananatili ka...kailangan mong tanggapin ulit yung mga posibleng sakit na mararanasan mo...

Hayy...saan ba ako lulugar! Sa taong mahal ako at handang ipakita't iparamdam yun sakin o sa taong mahal ako pero patuloy akong sinasaktan ng hindi niya namamalayan?

Hawak ko na yung doorknob pero hindi ko pa rin yun mapihit,

Napansin ata yun ni Aly kaya nagtanong siya, "O, bakit? May nakalimutan ka?"

Tumingin ako pabalik sa kanya, "Gusto mo samahan na lang kita, Ly?"

"Tsk. Ako na naman inaalala nito."

Tumayo siya mula sa kama niya at pumunta sakin. Hinawakan niya yung magkabilang braso ko at inikot ako para humarap muli sa pinto, "Go on your date. Wag mo na ako alalahanin."

Pinihit niya yung pinto at marahan akong tinulak palabas, "Mag enjoy ka ha? Wag mo ko alalahanin, gurang na ako. Wag mo lang kalimutan ang pasalubong ko, ha?"

"Pero, Ly..." at sinarhan niya na ako ng pinto.

Hayy...

Naglalakad na ako palabas ng dorm nang tumunog yung phone ko,

1 message from Aly, 1 message from LA

Aly: "Naks, lumalablayp ang best friend ko! Mag enjoy ka ha, Den! Muwah!"

LA: "Andito na ko sa labas ng dorm niyo ha..."

Napangiti ako ng mapait...

Siguro nga ganito na yun...itinulak ako ng taong mahal ko kaya panahon na para bigyan ko ng pansin yung taong nag aabang sakin para ipakita yung pagmamahal niya.

...

"Den?" tawag ni LA.

"Hmm?"

"Hindi ba masarap? Gusto mo lumipat ng kainan?" tanong niya. Napansin niya sigurong halos hindi ko ginagalaw yung pagkain ko.

Who Is Meant? AlyDen? BangLy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon