UD 27. Lies.

3.9K 68 1
                                    

Bang's 

Nabili na namin yung lahat ng nasa list at pabalik na sa parking nang may marinig akong tumawag sakin…a familiar voice

"Bang?"

Lumingon ako para harapin yung tumawag sakin, "Oh, Mela..." kabadong bati ko.

"Aba, bihira na kita makita pag Saturday night ah..." lumapit siya at binigyan ako ng isang yakap, "hindi ka na ba pinapayagan ni -"

Napatigil siya habang nakayakap sakin,

"Ara?" takang tanong niya,

Marahan siyang umalis sa pagkakayakap sakin, tumingin sakin tapos ay kay Ara. "Magkasama kayo?" 

"Ano..." mag uumpisa pa lang akong gumawa ng alibi ng sumingit si Ara, 

"Oo." amin niya,

Tinitigan ko siya ng masama saka tumingin ulit kay Mela para umiisip ng isang kapani-paniwalang palusot.

Nakita kong kumunot yung noo ni Mela na parang pina-process ang mga nakikita at naririnig niya.

"Ano...Mela..." Umiisip ako ng magandang dahilan para ipaliwanag kung bakit kami magkasama ni Ara. Eto naman kasing isa, sasabihin ko na lang sanang hindi naman talaga kami magkasama e, umamin pa.

Pambihira, ang hina ko talaga minsan gumawa ng istoryang mabilisan!

"Break na kasi sila. -" biglang singit na naman ni Ara.

"Ara!" sigaw ko, 

"Malalaman din naman nila." tumingin siya sakin pero parang walang pakialam sa ginawa niya.

Saka tumingin uli kay Mela, " Pero hindi kami nagkabalikan. Well, we're going out. Pero hindi kami. Wag mo na lang muna ipagsabi, Mel. Wala pa kasing one month nung maghiwalay sila, baka naman mapasama yung image nitong si Bang." sabay bigay ng ngiti.

 "Ah...okay. Ano, sige mauuna na rin ako." litong sagot ni Mela.

Nang makarating kami sa kotse ay pabalibag kong ipinasok sa trunk ng sasakyan niya yung bitbit ko.

"Baka may mabasag dyan sa binili natin." angal ni Ara.

"Bakit mo kailangan sabihin kay Mel na hiwalay na kami ni Aly?!" sigaw ko habang sinasara niya yung trunk at tumingin sakin,

"E ano pwede mong idahilan kung bakit tayo magkasama?" kalmado niyang sagot

"Sana hinayaan mo kong gumawa ng palusot. Marami namang iba, bakit hiwalay pa?!"

"Kaya pala wala kang maisip kanina, kasi marami pang ibang dahilan." sarkastikong sabi niya.

"Uuwi na ko!" tumalikod na ko sa kanya, pero hinawakan niya yung braso ko.

"Sorry na. Ang motive ko lang naman is to give an alibi."

"Whatever, Ara." inirapan ko siya at pilit tinatanggal yung kamay nya.

"Nag iintay si mommy, inaasahan ka niya pumunta. Natext ko na siya kanina na nasundo na kita and on the way na tayo. Sorry na."

"Sabihin mo, sumama yung pakiramdam ko. Bitawan mo nga ko!" sigaw ko.

"Sorry na kasi. Tara na, hindi na mauulit. Dalawin mo na si mommy, inaasahan ka niya kasi talaga."

Talagang ginagamit niyang alas si tita e, "Oo na, bitawan mo na ko!"

Pareho na kaming sumakay ng kotse niya pero walang imikan...

"Bang!" sigaw ng mommy ni Ara nang makababa ako ng sasakyan.

Who Is Meant? AlyDen? BangLy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon