Part 64

3.8K 80 12
                                    

Den's

Still, Aly isn't saying anything. Hanggang sa matapos ang training namin ay tahimik pa rin siya.

Nakakapanibago.

Dati rati, siya ang unang tumatabi sakin during breaks, ngayon ako ang lumapit sa kanya. At kung dati, siya ang unang kumukuha ng kamay ko para hawakan yun, ngayon ay ako pa ang lumingkis sa braso niya habang magkatabi kami.

Pagbalik niya galing dun sa 'malling' niya daw, "May inasikaso lang ako." at "Namatay yung phone ko." lang ang naaalala kong nasabi niya sakin.

Gusto kong panghawakan yung sinabi ni Ella, na sana nga meron lang siyang arte para sa birthday ko bukas. Sana parte lang ito ng pakulo niya para sakin bukas. Sana nga.

Dahil yun na lang talaga ang gusto kong isipin at hindi ang sinasabi ng nararamdaman ko.

"Sige guys, pahinga na kayo." sabi ni assistant coach Parley bilang pag-di-dismiss samin.

"Yehey!" kaniya-kaniyang hiyaw ng mga ka-teammates ko.

Pero papunta na kami sa locker room nang tawagin ulit ni coach Parley yung atensyon ni Alyssa. Sabay kaming huminto ni Aly dahil nakakapit ako sa braso niya, saka namin nilingon si coach.

Pati yung mga ka-teammates namin, inaabangan kung ano yung sasabihin niya kay Aly.

"May ano pala bukas daw..." saka kakamot kamot sa ulo si coach Parley, tapos tumingin sa mga papel na hawak niya, "bukas, may ano ka... hayy ano ba yun?" tanong niya sa sarili habang patuloy sa paghahanap sa mga papel niya.

"Hayy, naku coach Parley! Nakakaloka ka!" sigaw ni Ella tapos ay nagtawanan kami, maliban kay Alyssa.

"Ayon! Eto na, eto na!" sigaw niya nang makita yung hinahanap niya at winagayway pa yung papel.

"May interview ka sa The Score bukas!"

"Ayooon!" kantyaw ulit nila, "Artista na talaga!"

Nginitian ko naman si Alyssa habang tinutusok tusok yung tagiliran niya bilang pang aasar. Ngumiti lang siya ng marahan bilang tugon.

"Oo, dalawa kayo ni Bang Pineda ng Adamson." dugtong ni coach Parley.

Napahinto ako sa ginagawa kong panunukso kay Aly at nawala yung kaninang ngiti sa labi ko. Maging sina Ella ay napahinto rin sa pagkantyaw. Lahat tumahimik dahil sa narinig namin.

Pero si Aly, hindi ko alam kung anong iniisip niya. Iniwas niya yung tingin niya at tumingin lang sa sahig, nakakunot ang noo at parang bang nasasaktan yung nababasa ko sa mga mata niya.

May hindi ba ko alam, Alyssa?

"Babe?" mahina kong tawag sa kanya.

Itinaas niya yung tingin niya sakin at marahang ngumiti, "Tara na, para makapag pahinga."

Dahil sa biglang pagtalikod niya, nawala yung pagkakahawak ko sa braso niya, pero tuloy tuloy pa rin siya sa paglakad at hindi na ko inintay pa.

...

Hindi ako makatulog dahil sa mga nangyari ngayong araw at sa panlalamig na nararamdaman ko mula kay Alyssa.

Tumingin ako sa direksyon niya. Nakatalikod siya mula sakin.

Babe, please tell me what's happening... ang sakit na kasi ng mga tumatakbo sa isip ko e.

Pero panghahawakan ko yung sinabi mo... magtitiwala ako sa'yo. Magtitiwala ako sa pagmamahal mo.

I looked at the clock on my table, 12:10 AM... January 21, 2014.

Sana nga... sana nga parte lang to ng kung ano mang hinanda mo para sa birthday ko, babe.

Who Is Meant? AlyDen? BangLy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon