"Hoy bestiiee ang dilim naman dito! May gagamba dito? Waahh kainis naman ihh." Pagrereklamo ni Mariesha habang naglalakad kami sa secret passage. Tsk ang arte!!
"Ginusto mong malman ang sekreto ko diba? Then magtiis ka tsk. Shut up, will you?" Nagpatuloy ako sa paglalakad at binuksan ang pinto ng makarating na kami sa dulo.
"Sky!!--- oh hello." Nagulat si Angelo ng makita niya si Mariesha na nasa likod ko.
Pero mas nagulat pala ang halimaw na nasa likod ko. HAHAHAH ang pangit nang reaction ng bruha.
"OH MY GOSH! ANONG KAHIBANGAN TO RAVIENNE CASSANDRA SKY SANDOVAL!! MAY TINATAGO KANG LALAKE. OMO NAGTATANAN NA KAYO! MAY KA-LIVE IN PARTNER KA NA!!" Tila ba naghi-hysterical niyang sigaw. Kahit kailan talaga ang ingay ng isang to.
"Aissh. Ang ingay mo!" Inis kong baling sa kaniya.
"Good morning Angelo. Kain ka na, here oh. Ahm sorry pala kagabi, hindi na ako nakabalik. I didn't notice na nakatulog na pala ako." Nginitian niya lang ako at kinuha ang tray ng pagkain na hawak ko.
"Ahm, kumain ka na ba Sky?" Tanong nito sa akin, isang tango lang ang isinagot ko sa kanya.
"Hello!! May tao pa po dito. Beke nemen pensenen nye den eke." Pagpapapansin na naman ni bruhang Mariesha.
"Ahh oo nga pala. Gelo this is Mariesha, hoy bruha! This is Kean Angelo."
"Hi M-mariesha." Tipid na nginitian ni Angelo si Mariesha bago nilantakan ang mga pagkain na dinala ko. Haaist takaw din!
"Kaano ano mo ba ang gwapong yan Cassy? Boylet mo?" Umiling lang ako.
"Kyaaah edi akin na lang!" Tili niya bago kumandong kay Angelo na ikinainis ko. Aba humaharot ang bruha!!
"Hi Angelo baby!!" Pagpapacute niya, pero di man lang siya pinansin ni Angelo. Pfftt.
"Hey, baby ko. Yuhooo Angelo baby!!" Papansin niya pa. Liningon naman siya ni Angelo at inosenteng tinignan.
"Ahm, are you my mother? Why keep calling me baby? And would you just get off from sitting on my lap? Ambigat mo sobra po." Ohaa englishero ang baby ko.
Napanguso na lang si Mariesha bago umalis sa pgkakaulo niya sa kandungan ni Angelo.
Lumapit siya sa akin at bumulong,
"Bestiiee, okay sana ih kaso suplado. Tsh sayo na nga yan! Ay teka nga sabihin mo nga sakin kung saan, sino, paano. Basta ikwento mo lahat!! FASTER!!"Nilingon ko muna si Angelo at nang nakita kong kumakain pa siya ay sinimulan ko ng ikwento kay Mariesha ang lahat, simula kung paano ko natuklasan ang sekretong lugar kung nasaan si Angelo.
.
.
.
.
.Simula nga noon ay si Mariesha na ang naging katulong ko upang maturuan si Angelo ng maayos, magdadalawang buwan na din simula ng magkakilala silang dalawa.
"Mariesha would you give me that cupcake? Ginawa ni Sky yan for me and not for you!!" So ayun nga, nag-babangayan pa din sila. Ayaw ni Angeli sa kanya kasi ba naman kinukulit siya lagi ni Mariesha.
I admit that at first, I'm being irritated at Mariesha, sa tuwing kinukulit niya si Gelo, but as the time goes by, nakikita ko namang pinagkakatuwaan niya lang si Gelo. Parang nakakabatang kapatid na pinagtitripan lang ba. HAHAHAH.
"Marami pa naman dyan baby, bigyan mo na lang yang bruha." Ngumuso lang silang dalawa. Lumapit naman sakin si Mariesha at hinila ako papalayo kay Angelo.
Ano na naman kayang kalokohan ang naisip nito?
"Bestiie, sa sabado na birthday ko." Mahinang bulong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Innocent [COMPLETED]
RomanceMagandang langit and Gwapong anghel's story❣️ Ravienne Cassandra Sky Sandoval, a spoiled bratty seventeen years old girl. Ayaw na ayaw niya sa mga lalake, tingin niya lahat ng lalake ay manloloko, mang-aakit at gusto lang ang katawan ng babae. Hind...