Chapter 1

1.1K 41 2
                                    


"Mommy! Can I come? Ang boring po dito. I wanna go with you and dad on U.S. please! " pagmamakaawa ko kay mom with matching beautiful eyes pa.

"Cassy sweetie sa susunod na okay, may aasikasuhin lang kami ng daddy mo doon tapos babalik na kami with your mga pasalubong." Napairap ako sa sinabi ni mommy. Tsk dinaig pa ako sa ka-conyo-han.

"Okay fine." Padabog akong pumanhik patungo sa kwarto ko.

Nakakainis! My friends always say that I'm a spoiled brat, kasi kahit anong gusto ko raw ay nakukuha ko kaagad but I guess it's not true. They are very wrong!! Kasi maski oras nga nila mom at dad para sakin ang hirap pang hingin. Uggh!! Nakakainis talaga!!

I need books right now. Mga libro lang ang nagpapakalma sakin, reading books are better than facing this unpredictable reality.

Tinignan ko ang mga librong nasa bookshelf katabi ng kama ko, haist! Tapos ko ngayon ko lang narealize na kakatapos ko lang basahin yubg bagong bili kong libro at lahat ng libro ko dito nabasa ko na.

Dali dali akong bumaba ng maalala kong may library kami sa baba. Hehe minsan lang ako nakapasok dun, hmmp!

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang matataas na bookshelves na puno ng libro. Nakaka hangang tignan ang mga lumang bookshelves pero ang gaganda tignan. Ngayon lang ulit ako nakapasok sa loob nito. Dad is very over acting kasi! He said that this is a forbidden room.

Bawal daw kaming pumasok dito except him, mom and a guy doctor. Ewan ko nga kung bakit eh. Maybe it's something to do with their health na ayaw ipaalam sa akin. Tsk dunno!

A lot of beautiful books and different kinds of them are here pero nakuha ng isang libro ang aking pansin.

A color black book with some gold sequence on the bottom part. 'Mystikí pórta' ang nakalagay dito. Nilapitan ko ang kinaroroonan nito at hinugot mula sa shelf.

Criiingk

Napalingon ako sa bandang likuran ng may marinig akong ingay.

I'm amazed when I see a secret passage between the tall bookshelves that seemed to split after I picked up the book.

"Soo cool!!" Namamanghang anas ko.

Tsk. So this was dad and mom's secret eh? Too bad nalaman ko na.

My curiousity strike again!!

Why do they even have to have this? A secret passage or a tunnel for what?

The tunnel was dark and narrow. Nangangati na ang mga paa ko at gustong gustong pumasok sa loob para malaman ko kung ano ang tinatago nila dad sa loob.

Kahit kinakabahan, dahan dahan akong naglakad papasok.

I don't know what would I imagine. What if there were drugs or guns at the end of this tunnel or even dead bodies of different people.

Dad and mom are not part of any syndicates but what if they do something illegal either?

Dahil sa kalutangan ko, magkakabukol pa ata ako. I was hit with something hard and I don't know what it is. Nasa dulo na ata ako ng tunnel na ito.

Kinapa ko ang parang pader na nasa harapan ko at may nahawakan akong tila isang doorknob, pinihit ko ito pabukas at bumungad sa akin ang isang... OH MY GOSH!!

Isang lalakeng nakahubad!!!

Ahh my virgin eyes!! Dali dali kong tinakpan ang aking mga mata ngunit iniwan kong may siwang upang makita ko ang kabuuan niya. Such an idiot Sky!!

Seducing Mr. Innocent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon