Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng pagkatok sa pinto.
Inaantok na minulat ko ang dalawa kong mata. I glanced my clock and it's only 5 in the morning!!! Too early.
Sino ba kasi yan!! Pikit mata akong tumayo at naglakad papunta sa pinto.
"BESTIEEE!!! AKALA KO PATAY KA NA. KANINA PA AKO KUMAKATOK DITO!" napatakip ako sa tenga ko. Ang ingaaay!!!
"SHUT UP WITCH!! It's too early, ano na naman bang kailangan mo? Haiist." Napahikab pa ako. I'm still sleepy, huhu.
"Bestiiee, It's time na for you to make akit akit Angelo." Parang nadugo ata ilong ko sa ka konyohan ng bruhang to. Tsk.
"Yah yah, I know. Ipapalabas ko siya sa silid niya maya-maya okay? Just let me sleep for a wh---- argghh!!!" Bigla niya na lang akong hinila at namalayan ko na lang na nasa library na kami.
"Hihi, excited lang ako bestiiee. By the way ikaw na ang unang pumasok, baka may gagamba na naman jan, iww!!"
I don't have a choice kaya pumasok na ako. Alangan naman humiga ako sa lamesa ng library at doon matulog tss.
Nang makapasok na kami sa silid ni Angelo ay nadatnan namin siyang tumatalon. Eh??
"Anong ginagawa mo Angelo cutie baby?" May pang-aasar na saad ni Mariesha, pfft.
"I'm exercising, wag mo nga sabi akong tawaging baby, only Sky can call me that." Inis na ani ni Gelo. Nanunuyang tingin naman ang iginawad sa akin ni Mariesha. Tss.
"Hey baby." Agad na lumingon sa akin si Gelo at ngumiti.
"Good morning Sky!!" lumapit siya sa akin then he kissed me on my cheeks. Nagulat ako sa ginawa niya, heck! I didn't expect that.
"Hala, sa akin bakit wala? Ang daya talaga ni Angelo." Pagpaparinig ni Mariesha. HAHAHAH kawawa.
"Good morning Gelo, bihis ka na. Lalabas tayo pero dito lang sa loob ng bahay okay? Saka na tayo gagala sa labas." Tinanguan niya ako sabay ngiti bago pumunta sa kanyang walk in closet.
Pagkalabas niya ay nakasuot na siya ng isang simple gray shirt tapos black shorts.
He's still handsome even though he's wearing simple clothes. Kung siguro basahan ang ipapasuot sa kanya aba'y gwapo pa din.
"Stop drolling over me Sky." Nagsmirk pa siya sa akin tapos tumingin naman kay Mariesha.
"Hey yung laway mo Mariesha. Tsk so gross!" Nang-aasar niyang sabi kay Mariesha. Tinapunan naman siya ng unan ng bruha pero nailagan niya lang.
"Hey Sky? I'm I really that handsome? Kanina ka pa nakatitig sa akin." Nakapout na sabi niya. Tsk so adorable.
"H-huh?" Wala sa sariling sabi ko.
Pero ng marealize ko ang sinabi niya napanguso na lang din ako. Ampp, Angelo is mahangin na, sobra.
"Tsh, panguso nguso pa. Mukha namang mga bibe. Paguntugin ko kaya to para maghalikan?" Rinig kong bulong ni Mariesha kaya tinapunan ko siya ng nakakamatay na tingin.
"A-ah let's go na Gelo. Hey witch!! You go first hehe." Tsaka ko binuksan ang pinto at hinila si Mariesha bago tinulak papalabas.
"Aray naman Cassandra!!!" Yamot na sigaw niya pero di ko pinansin.
Inalalayan kong maglakad si Angelo, magkasabay kami habang lumalabas sa silid niya.
"Tss mahangin na talaga to." bulong ko nang maalala ko na naman ang kahanginan niya kanina.
"What? Di naman mahangin Sky. Mainit nga eh!" Nakanguso na naman nitong saad. Tsk, nahawa na ata sa bibeng bruha. Ano daw? Pfft. Inosente pa nga pala to.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Innocent [COMPLETED]
RomanceMagandang langit and Gwapong anghel's story❣️ Ravienne Cassandra Sky Sandoval, a spoiled bratty seventeen years old girl. Ayaw na ayaw niya sa mga lalake, tingin niya lahat ng lalake ay manloloko, mang-aakit at gusto lang ang katawan ng babae. Hind...