"Cassandra! Cassandra wake up. Ang fiance mo, juskong bata ito. Sweetie si Kean Angelo!" Napabalikwas ako mula sa oagkakahiga ng mabulabog ang tulog ko dahil sa malakas na boses ni mommy na kanina pa sumisogaw galing sa labas ng pinto ko.
Agad akong tumayo at napapakamot pa sa ulo habang naglalakad papunta sa pinto. "Mom you're too loud! I'm still sleeping. What was it ba? I'm still sleepy pa." Tamad kong binuksan ang pinto at tinignan si mommy.
"S-sweetie kasi... si ano uhm---kasi Cass." Inirapan ko si mommy at inis na tinignan.
"What was it mom? Just tell me." Napahikab pa ako dahil sa antok.
"Si K-kean Angelo naaksidente k-kaninang madaling araw." Nanginginig na aniya na ikinagulat ko. What the heck? Ano na namang kahibangan to?
"Mom if this is just a prank again, stop it na please. Pwedeng mamaya na yan kasi inaantok pa ako. Let me sleep first pretty pleaaase? Hindi na ako ulit madadala sa pranks niyo." Tatalikod na sana ako at babalik na sa pagkakahiga sa kama ng biglang tumunog ang phone ni mommy.
"H-hello? Yes I'm Suzette Sandoval. A-ano? Papunta na kami dyan sa hospital. Make sure that Kean Angelo will be alright. Gawin niyo ang lahat doc. T-thank you." Nanginginig ang kamay ni mommy ng ibaba niya ang cellphone niya. Kinabahan ako bigla, si Angelo nasa hospital? Totoo ba talaga to?
"M-mom what the hell happened? Hindi talaga to prank? Baka nananaginip lang ako. W-what happened to Angelo? B-bakit nasa hospital? He's fine mommy right?" Namamasa na ang mata ko dahil sa namumuong luha. Hindi ko kayang tanggapin kung sakaling totoo ito at may nangyareng masama kay Angelo.
"S-sweetie si Kean. Naaksidente kanina, b-biglang sumabog ang sasakyang minamaneho niya. A-ang sabi ng mga p-pulis baka daw sinadya talagang lagyan ng bomba ang sasakyan para p-patayin si Kean Angelo." Napanganga ako dahil sa sinabi ni mommy. Hindi yan totoo! Magkausap pa nga kami ni Angelo kagabi. Magpapakasal pa kami.
"No mommy that's not true. Sabihin mong prank ulit to just like before. Kagaya din ito nung proposal niya mommy diba? Just a prank right? Angelo is fine diba. M-mommy please tell me that he's okay." Di ko na napigilang mapaluhod at mapahagulgol sa iyak.
"Sweetie k-kung gusto mong makita si Kean Angelo s-sumama ka sa amin sa h-hospital. Mag ayos ka na muna dyan, h-hihintayin ka namin sa baba okay? We need to be strong for Kean, you need to be strong for your fiance." Tumalikod na si mommy at nagsimula ng maglakad paalis.
"A-Angelo." Patuloy na pinupunasan ko ang mga luha kong sunod sunod sa pagpatak.
Agad akong nag-ayos at nagbihis, gusto kong makita ang kalagayan ni Angelo. I hope he's really fine but I really hope na prank lang ang lahat ng ito.
Agad na kaming pumunta nina mommy sa hospital. Wala ako sa sarili habang nakasunod lang sa kanila. Lutang ang isip ko at tangong laman lang ay ang kalagayan ni Angelo.
"Ma'am nasa morgue na po ang pasyente dyan." Saad ng isang nurse na ikinalingon ko sa kanila.
"S-sinong nasa morgue?" Tanong ko kaagad.
"Yung pasyente po sa room 103 ma'am. Si Mr. Kean Angelo Vasquez." Parang tumigil sa pag ikot ang mundo ko. Tila pinagpagsakan ako ng langit at inihampas sa lupa.
"N-no." Nnghina ang mga tuhod ko kaya't nabuwal ako sa pagkakatayo.
"Mommy hindi yan totoo diba. Buhay pa naman si Angelo diba." Pagsusumbong ko kay mommy habang nakahawak sa mga tuhod ko, patuloy na umiiyak at humahagulgol.
"Puntahan natin si Kean Angelo nak. Halika na." Inalalayan ako nina mom at dad para tumayo pero nagpumiglas ako.
"I don't want to! Ayoko, alam kong buhay pa si Angelo. Hindi ko gustong tignan ang kung ano man ang nasa morgue na yan." Tumayo ako at agad na tumakbo palabas ng hospital, nagpatuloy ako sa oagtakbo hanggang sa napagod ako at nag-iiyak na lang.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Innocent [COMPLETED]
RomanceMagandang langit and Gwapong anghel's story❣️ Ravienne Cassandra Sky Sandoval, a spoiled bratty seventeen years old girl. Ayaw na ayaw niya sa mga lalake, tingin niya lahat ng lalake ay manloloko, mang-aakit at gusto lang ang katawan ng babae. Hind...