"Yen yen, I've missed you!" Salubong sa akin ni Dwayne.Kakauwi niya pa lang at tinawagan pa ako kaninang madaling araw para lang magpasundo. Antok na antok pa kaya ako.
"Che! I'm sleepy, you're so bad Dwayne." Ginulo niya lang ang buhok ko at niyakap ng mahigpit.
"Na miss kita nang sobra Yen!"
"I missed you too, Dwayne." Hinalikan ko siya sa pisngi na ikinangiti niya.
"Ehem." Napabitaw ako kaagad sa pagyayakapan namin nang may biglang tumikhim. Oh heck!
"A-ah Yen? Is he---."
"I'm Kean Angelo, Sky's boyfriend." Nakanganga akong napatingin kay Angelo dahil sa sinabi niya.
Boyfriend?
"Ah! Lalaking kaibigan ka pala niya dude. By the way I'm Dwayne, Yenyen's bestfriend." Nang akbayan ako ni Dwayne ay napatingin ako kay Angelo.
Salubong ang mga kilay nito at nakakunot noo. Madilim ang mukha habang masamang masamang nakatingin sa braso ni Dwayne na nakaakbay sa akin.
Angelo is mad, isn't he?
"Sky let's go." Madiin niyang sabi pero hindi nakatingin sa akin.
Lalapitna sana ako sa kaniya nang biglang hinigpitan ni Dwayne ang pagkakaakbay sa akin.
"Shh... Just go with the flow Yen, he's jealous." Bulong nito sa akin sabay tumawa ng mahina.
"Sky." Tawag ulit sa akin ni Angelo, may pagbabanta sa tono. Bigla na lang akong kinabahan. Shit!
"Dude, sa akin muna sasama si Yenyen okay? We missed each other. We need to bond, we need a date. Let's go Yen?" Pinihit ako patalikod ni Dwayne at nagsimula nang maglakad. Pero hindi pa kami nakakadalawang hakbang ay bigla na lang hinablot ni Angelo ang kamay ko at hinatak.
Ang sakit!!
"A-ah Gelo, i-it h-hurts." Pilit kong tinatanggal ang mahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ko pero hindi niya man lang ako pinansin.
"Hey dude, nasasaktan si Yenyen. Bitawan mo siya----fvck!" Bigla na lang bumulagta sa sahig si Dwayne nang suntukin siya ni Angelo.
Oh shit!!
"I don't care if you're her bestfriend. Don't touch my girl!!" Patuloy paring pinagsusuntok ni Angelo si Dwayne.
Hindi niya na ako hawak kaya agaran akong lumapit sa kanila.
"Stop that!! Angelo!!" Sigaw ako ng sigaw pero hindi siya nakikinig. Dumudugo na ang mukha ni Dwayne, pag hindi siya tumigil eh baka mapatay niya pa ang kaibigan ko.
"What the heck is your problem Angelo? Letse! You're a monster!!" Dahil sa inis ay sinampal ko siya at agad dinaluhan si Dwayne. Putok ang labi niya at namamaga ang isang mata. Shit!
"I thought you love me, but I think I was really wrong, Sky. You choose him over me, tss." Anas ni Angelo bago tumalikod. Gusto ko man siyang sundan at bugbugin, mas inuna ko munang asikasuhin si Dwayne.
Haiis. Gelo is really unpredictable.
Nagtaxi na lang kami ni Dwayne papuntang hospital, buti na lang at madali kaming nakaabot.
Tinignan na siya ng doctor, kinakabahan ako. What have gotten to Angelo's mind? What if he killed Dwayne? What if he got into prison? Nakaka badtrip talaga siya letse!
Pagkaalis ng doctor ay agad akong lumapit kay Dwayne, namamaga parin ang buong mukha niya.
"D-dwayne I'm sorry." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at naiyak ako sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Innocent [COMPLETED]
RomanceMagandang langit and Gwapong anghel's story❣️ Ravienne Cassandra Sky Sandoval, a spoiled bratty seventeen years old girl. Ayaw na ayaw niya sa mga lalake, tingin niya lahat ng lalake ay manloloko, mang-aakit at gusto lang ang katawan ng babae. Hind...