I could feel my heart beat hammer inside my chest as I looked over the sea of crowds."For sure si Zach na naman mananalo niyan, Siya naman palagi eh." Sabi ng isang contestant nang pinapasok na kami ulit sa stage para ma announce ang winner ng Intramurals got Talent.
Naramdaman ko ang biglaang pagpapawis at panginginig ng mga kamay ko pagtapak ko sa gitna ng stage habang tinitingnan ang buong gymnasium ng Horizons Frontier University. Kitang kita ko ang mga kaibigan kong panay ang sigaw ng pangalan ko.
"OMG ZACH KAYA MO YANNN!" Halos mabingi na ang katabi ni Lyshua sa kanina pa niyang kakasigaw.
Napangiti ako at tumingin sa MC na ngayon ay nagsasalita na.
"Ladies and gentlemen, the scores are in" Feeling ko talaga mahihimatay na ako sa sobrang kaba. Hindi ko naman ito first time sumali sa competition pero hanggang ngayon kinakabahan parin ako, parang yung kaba na nararamdaman ko tuwing tinitingnan ko yung scores ko sa final semester.
"And the winner of the Annual Intramurals got Talent of Horizons Frontier University is......"
Tumahimik ng biglaan ang buong gymnasium habang pinatugtog ang drumroll para mas maging intense ang pagka-anunsyo.
"Zacharina Elmore Collado of Grade 12 Lavoiser"
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman habang pinasabog ang mga confetti sa buong stage. Dinagsa ako ng ibang contestant at binati.
"Congrats, Zach" Bati ni Jesarel, isa sa mga sumali din.
Nagpasalamat ako sa kanilang lahat at bumaba na sa stage. Binati naman ako nila Maxine sabay lahad ng isang boquet ng rosas.
"Congrats, girl. Alam ko na talaga ikaw mananalo, syempre tatak Collado yan eh!" Asar naman ni Lucy habang marahan akong sinapak sa balikat. Kahit kelan talaga laging namimisikal itong babaeng 'to.
"Ano ka ba, eh halos maihi na nga ako sa kaba kanina eh" Pagbibiro ko sabay tawa.
"Eh, Nasaan ba si Maja?" Tanong ko at bigla nalang silang tumigil sa pagtawa at tumahimik.
Nagtinginan silang tatlo na parang may tinatago, napabuntong hininga nalang ako.
"Ano ba? Sumagot na nga kayo" Pagpupumilit ko.
"U-uh, Nandoon si Maja sa court, pinapanood si Oliver" Sagot ni Maxine na para bang may pag-aalinlangan.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero para bang may naramdaman ako sa kaloob-looban ko na bumagsak at biglang bumigat ang pakiramdam ko.
Pinilit kong ngumiti nalang "Ah, Talaga? Naku, yung babaeng yun talaga daig pa ang mga sasaeng fan kung makabuntot kay Resurreccion. Anyways, tara na." Iniba ko agad ang usapan para hindi na nila mahalata ang pagbago ng mood ko.
"So saan ba tayo ngayon?" Tanong naman ni Lyshua na halatang napapaos na dahil sa kakasigaw niya kanina pa.
"Twin's Peak tayo guys, Naghanda si ate ng kaonting salo-salo para sa atin" Tumango naman sila habang papunta na kami ngayon lahat sa exit.
"Wow! may pahanda kaagad si Ate Riah. Alam na alam na naman kasi ng lahat na ikaw ang mananalo." panunukso ni Lyshua.
"Huwag mo akong binobola Ly, wala akong piso." bara ko sa kanya sabay tawa.
"Sige kita nalang tayo doon, May aasikasuhin muna ako." Sabi ni Lucy at nagpaalam na.
"Ako rin, Zach. Pupuntahan ko pa si Axel." paalam ni Lyshua at umalis na kasama si Maxine.