Special Chapter 15

20 1 0
                                    

Oliver.

After seeing him with Brent the other day. I couldn't contain myself. Hinintay ko siya sa gate buong magdamag, hoping I could see her after how many days. Dahil malapit na ang opening ng Club day ay sobrang busy na ng buong unibersidad. Pati narin ako.

Napakahigpit na ni Coach tuwing basketball practice kaya hindi ako nakakatakas tuwing hapon para makita siya at maihatid man lang. Minsan nga wala ako sa sarili tuwing practice at napagsasabihan ni coach dahil lang iniisip ko kung nakauwi na ba siya. That was why sobrang relieved ako na wala munang ensayo ngayon dahil sa mga school activities at may chansa akong makita siya ngayon.

Binisita ko ang classroom nila pero hindi ako nagpahalata sa ibang studyante na may hinahanap ako. Binati ako ng ibang kakilala at pasimple lamang akong ngumingiti habang palihim na sumusulyap sa loob. Wala siya roon at siguro tumutulong sa booth making ng grupo nila. Bumaba ako at nag desisyon na maghihintay nalang sa kanya sa gate mamayang uwian.

Tinangihan ko rin ang yaya nila Anthony na gumala para lang dito. Nainis ang kumag dahil ang KJ ko daw, parang tanga lang. Ngayon nga lang ako humindi sa kanya, ang OA pa. Parang jowa ko kung makapagreklamo.

Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi ako pumayag, I usually just go with them but this time... I have some other business to attend to.

I just want to see her, I need to. Kahit saglit lang.

Pero noong nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa Brent na iyon, parang gusto ko nalang bugbugin at ipalunod sa ikabuturan ng pacific ocean ang lalaking iyon. Hinawakan ni Brent ang bag niya at marahan itong iginiya sa parking lot. I wanted to go after her, so I did only to see na pinagbubuksan siya nang pinto nang lalaking iyon.

Seeing that, pinili ko na hindi nalang siya lapitan. Stupid self, Pull yourself together Keil, why would wait for her na wala ka naming karapatan, at bakit tanga ka rin dahil bakit mo iisipin na dadarating siya at sasama sayo. Bobo! Hindi ka kailan man naging ganito sa isang babae. Sila dapat ang maghabol hindi ikaw!

She smiled politely at him, she always does to everybody, including me.

Now I wondered, kung ano ba talaga ang tingin niya sa akin. Was she thinking that I like her or was she just going along with me for the free ride? She had rejected my offers for times pero dahil mapilit ako pumapayag rin naman siya. Does she say yes because I am always persuading her to do so?

Or maybe she was just plain nice and innocent, walang malisya na nakikita sa aking mga ginagawa. Wala naman talaga akong ginagawa na mali, diba?

Hindi ako muling nagpakita sa kanya, not that she's looking for me anyway. Bakit nga naman. She isn't entitled to do so, pero I know I hoped that she did feel that way which is super wrong to the highest level.

Kaya ngayon, Kitang kita ko ang pagtayo niya dito sa aking puwesto. Hindi ko naman sinasadya na matingnan siya. I didn't even know that my seat was just a few rows from her.

She smiled at her friends at mabilis na naglakad papalabas sa gym. I looked back at her hanggang sa nawala na siya sa aking paningin at unti unti nang kinain nang kadiliman sa labas.

"Bro, you okay?" Naglagay ng kamay si Anthony sa aking balikat kaya hinarap ko siya. Axel, Andrei, Kendrick and everybody else was here, ang sabi na naman kasi ni Anthony ay gagala na naman daw pagkatapos nito. Tinaas ko ang aking kilay kaya humarap siyang muli sa stage. Pinigilan ko ang aking sarili sa pag-iisip sa kanya.

We Can't BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon