Chapter 19

12 0 0
                                    

"I really don't know about it, Lucy. Hindi naman sa ayaw kong umattend nang Senior's Ball pero alam mo namang wala akong alam sa mga ganyan. I don't even have anything to wear for that event" sabi ko sa aking kaibigan na kanina pa nagpupumilit sa akin.

She mustered a shock look on her face as she dramatically reached for her brush at tinuro ito sa mukha ko na parang armas na pagbabanta. "Kung iyon lang naman ang problema mo edi wala ka nang problema. Tutulungan kita sa pagpili nang susuotin, makaarte ka parang wala ka namang pera, may mga lupain nga kayo. And I can tell my make-up artist to fix you for that night, too. Problem solved, Zacharina."

Nasapo ko ang noo ko sa mga sambit niya, hanggang kelan talaga wala akong lusot sa kanya dahil lahat nang mga rason ko ay nahahanapan niya nang solusyon. It's noon time at ito na naman ang aming pinaguusapan, nandito kami sa isang lamesa sa Mini Forest nang school, natatabunan nang isang matayog na puno ang aming kinauupuan kaya hindi kami nasisinagan nang araw.

"Okay, fine. Alam ko naman na hindi na ako makakaapila sayo." Tanging sinabi ko at bahagyang tumawa, napangiti si Lucy sa akin, pati narin si Max at tumawa. 

"That's what I thought" ani niya at nagbigay muli nang isang makabuluhang ngiti. "Plus it's a once in a lifetime opportunity, Zach. Iisang beses lang tayo makakaranas nang Senior's Ball. Sulutin na natin" dagdag ni Maxine.

Tumango ako sa mga tugon nila. They are right though; I could only get through my whole high school life once so I have to make the most memories out of it as much as possible. Hindi man madali ang daan na tinahak ko bilang estudyante, maari parin naman akong natutunan at nakilalang mga tao na nagpaganda nito.

I stared at the empty fields of the school grounds, hindi masyado matao ngayon, lalo pa't ang iba ang busy sa mga nalalapit na final tests at season ngayon nang cramming. I wondered if my situation right now is part of that memorable high school experience I was talking about in my head.

It certainly is memorable, to say the least. Nalala ko ang gabing lumabas kami ni Oliver sa The Cork Grill. Hindi ko maitatangi na hindi ako sumaya sa mga oras na iyon dahil kung hindi ay sana hindi kumakabog ang puso ko nang ganito kalakas ngayon sa pag-iisip lang nang memoryang iyon.

"Anyways, do you have a date, for that night?" biglaang tanong ni Maxine kaya nawala ako sa aking mga pagaalala.

Kunot noo akong bumaling kang Lucy para sa sagot niya pero nagkibit lamang siya nang balikat.

"I don't know. Kailangan ba talaga? I mean I'm only going there for the food and the outfit...pero kung may magiimbita, bakit hindi diba?" natatawa nitong wika. Napangisi ako bilang reaksyon.

"Ikaw, Zach?" Si Max naman ngayon sa akin.

I suddenly wondered to a certain someone.

"Wala" sagot ko. Hindi ko naman alam kung strongly recommended ba talaga na pumunta na may kasama, I can certainly attend a Ball by myself so that is no problem for me. Wala rin namang sinabi na required na may date.

Biglaang sumagi sa isipan ko si Oliver. I wonder if he has already asked someone to be his partner for that night, that is kung pupunta nga siya sa gabing iyon. I can't imagine him wearing something formal dahil sa magulo niyang porma palagi. His hair is always messy and his face always has this smug look on. I should really stop thinking about him.

"I guess tayo nalang ang magsasama niyan. Girl Power!" Sigaw ni Lucy at tumawa kaming lahat.

Nang dumating ang Sabado ay sinamahan nga ako ni Lucy sa isang sikat na boutique para sa aking gown. Ang sabi niya ay dito niya rin kinuha ang susuotin at maganda raw ang mga designs.

We Can't BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon