Chapter 2

89 9 0
                                    



Nagpatuloy ako sa paglalakad, binilisan ko ang bawat hakbang habang naka yuko, hindi ko tinaas ang paningin ko. Di ko alam kung bakit pero bumilis rin ang tibok ng puso ko.

"Zach! Tabi!" Rinig ko ang isang bosses at nalito. Kunot noo kong tinaas ang aking ulo at nakita na may bola patungo sa akin. Hindi ako gumalaw at umilag at napapikit nalang ako, handang salubungin ang sakit ng impact ng bola.

Ngunit wala akong nadama kaya, slowly but surely, I fluttered my eyes open at nagulat nalang ako na ang mukha ni Oliver ay kaharap ko na. Hawak-hawak niya ang bola sa kanyang kamay na.

I swear we were only inches apart because I cold feel his hot breathe fanning my nose. Mataas pala talaga siya, he looked down on me. Kitang-kita ko ang pawis na tumutulo sa mukha niya, Hindi ko alam anong sumagi sa isipan ko pero gusto ko iyon punasan. Matangos ang ilong, manipis ngunit mapula ang labi, his eyes are deep. Hindi rin siya gaanong maputi pero makinis.

Ang talim ng tingin niya sa akin na halos matunaw na ako. Nangangatog na ata ang binti ko.

"Next time, Watch where you're going" His deep voice said.

Ay, anak ng tuta, Nakakaturn-off. Siya na nga itong muntik na akong matamaan ng bola siya pa tong may ganang mag sabi niyan sa akin.

"Nice save, Ollie" sabi nung isa niyang kasama, Umismid lamang siya and I couldn't help but just feel offended. Kapal ng mukha, siya na nga itong muntik ng maka sakit siya pa itong mahangin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at umirap nalang. Nakakainis! Mas binilisan ko pa lalo tuloy yung paglalakad ko.

Hindi ko talaga maintindihan si Maja, bakit pa siya magkakagusto sa lalaking yun ang yabang naman. Speaking of Maja, biglang bumagsak ang pakiramdam ko ng naalala ko siya.

Lagi niyang sinasabi at kinikuwento sa akin si Oliver na para bang may sila, I know she is my friend pero baka masaktan lang siya ng lalaking yun na masungit and Maja is very sensitive. Pero kanina lang naka face to face ko si Oliver and I couldn't help but feel guilty.

Wait, Why should I be guilty? wala naman akong ginawang masama diba? Umiling nalang ako sa aking sarili. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito.

Umakyat na ako sa library at binalik ang mga libro kay Mrs. Ruiz, ang librarian namin. Nagpasalamat ako at bumalik na sa classroom, buti nalang at wala na si Oliver doon kasama ang mga ka team niya, siguro nag break muna sila.

Nilinis muna namin ang classroom dahil sa sobrang kalat nito, Dalawa nalang kami ni Nina ang naiwan doon kaya natagalan talaga kami sa pagliligpit.

Nagpaalam si Nina na mauuna na siya dahil nag-aantay na daw ang sundo niya sa labas. Pumayag naman ako dahil tapos naman din at kaonti nalang ang kailangan linisin. Itatabi ko nalang itong mga papel at aalis narin ako.

Eksaktong alas dose ng natapos ako at nag desisyon na bumaba na. Biglang tumunog ang phone ko at may text galing kay Max.

Maxine:
Bes! Hindi muna ako makakasabay ngayong lunch kasi may pupuntahan kami ni Mommy, si Lucy ay umuwi. Si Lyshua naman mukhang may ibang kasama. Kita nalang tayo mamaya, luv u.

Nagtipa agad ako ng sagot. Naiintidihan ko naman, hindi naman na all times ay magkasabay kami magkakaibigan syempre may buhay din sila.

Si Maja rin naman ang mukhang sumabay na sa mga teammates niya sa volleyball kaya parang ako lang talaga muna ngayon.

Maraming tao sa canteen kaya nag-isip nalang ako na hindi kumain doon lalo na ako lang isa at masikip sa loob. Sa labas nalang ako kakain, may mga fast food chains naman malapit dito, mag tataxi nalang ako.

We Can't BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon