Chapter 18

14 1 0
                                    


"Yes, Maj?" pambungad ko nang sinagot ang tawag niya.

Naglalakad ako ngayon sa kabuhuan nang mall at pumasok sa isang sikat na beauty product store para bumili nang mga inutos ni ate nang sarili na ring pangangailangan. "Zachie! Nasaan ka ngayon?" Maligaya niyang tanong sa kabilang linya.

"Nandito ako sa FocalPoint. Bakit?" tanong ko habang kumukuha nang isang facial cleanser.

"Oh great! Plano ko kasing kumain tayo sa labas ngayon, good thing you're in FocalPoint already!" Mataman siyang tumawa. "Anyways, Is that okay with you? And bring Brent over too"

Napatigil ako sa pagsusuri nang produkto na hinahawakan at binigay ang buong atensyon sa aking telepono. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at may ideyang sumagi sa isipan ko pero inignora ko ito. "Bakit naman? Bakit si Brent?"

Humalakhak siya sa kabilang linya, "I just think it's nice to bring him. Sige na, tutal ay napansin ko naming nagging mas malapit kayo ngayon sa isa't isa. It'll be nice, plus I get to meet him" She answered enthusiastically.

Pansamantala kong binaba ang basket na dala sa sahig. "I'll text you the details. I'll be over in a bit, get ready, Zachie" wika niya sa malambing na tono at pinatay na ang tawag.

That was unexpectedly weird of her. Ilang buwan na kaming walang labas at ngayon ay bigla siyang nanyaya at pinapadala pa si Brent. Speaking of Brent, hindi ko alam kung iimbitahin ko siya. Not that I don't want him to come pero baka makaistorbo ako sa kanya. I might be wasting his time.

Nagtext ako kay Brent, ayaw kong tawagan siya at baka may ginagawa iyong importante. Nagulat nga ako nang agad siyang sumagot at pumayag din ng walang tanong. I sended him the details at siya na mismo ang nagsabi na umuna na akong makipagkita kay Maja dahil susunod lang siya. I paid all that I got at the counter and strode off that store.

Nagtungo ako sa restaurant na sinabi ni Maja. Sikat ito and the vibes it had was homey but elegant, somewhat of a cafe. Buti nalang at bumagay ang suot ko sa lugar na ito dahil naka square pants at white off shoulder lang ako. May isang babaeng bumati sa akin pagtapak ko palang sa tanggapan nang silid na ito.

Nakita ko ka agad ang mukha ni Maja, due to her glowing aura and her casual waving at me pero hindi lang iyon ang umagaw nang pansin ko. Nagulat ako sa lalaking katabi ni Maja, his eyes were intense but when mine met his, it weighed even heavier. Napahinto ako at madaling iprinosseso ang presensya niya. What the hell is his presence doing here?

Hindi ko nalaman na napahinto pala ako sa paglalakad, ng nakabalik ay agad akong lumapit sa lamesa nila at nagpanggap na hindi naapektuhan, kahit na halos manliit na ako sa aking sarili ng kinuha ko ang upuan sa harap ni Maja. I tried to smile at her even if Oliver's eyes where tracing my whole figure, making me conscious and uncomfortable at the same time.

"Nasaan si Brent? Akala ko inimbitahan mo siya?" Si Maja na hindi mawala ang ngiti sa labi. She looked extra smiley than the usual at hindi ko mapantayan ang panguugali niya ngayon. "Susunod lang dahil naghahanda pa" I awkwardly laugh, ayaw kong maging bastos kaya sinubukan kong hindi balewalain ang lalaking katabi niya.

"Hindi mo pala sinabi na..... sasama si Oliver" mahina ang pagkasabi ko noon dahilan kung bakit napasandal si Oliver sa lamesa, isang mapanuyang ngiti ang pinakita niya pero agad itong kumupas at bumalik siya sa pagiging malamig. Maja beamed even more at the mention of his name, parang hinihintay niyang sabihin ko ito.

"Yes! Akala ko nga hindi siya sasama but when I asked if he wanted to eat with the two us agad siyang sumangayon, diba Ollie?" the way she pronounced his nickname sounded so peculiar, parang hindi ako sanay. Pinasadahan siya nang tingin nito at humarap muli sa akin, his intense eyes seemed to pierce through me. "Yeah, I thought it'll be fun" kumento nito at muling tumahimik.

We Can't BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon