Chapter 17

27 1 0
                                    

Di ko mapigilan ang pagkabalisa habang si Mrs. Plaza ay tinatalakay ang mga last units nang school year na ito. Sinusulat ko ang bawat detalye na nasa powerpoint para balikan mamaya dahil kahit anong pilit ko sa sarili ay walang pumapasok sa utak ko.

Nang nag lunch break na ay dumiretso ako sa canteen.

"Zach!" Isang pamilyar na bosses ang tumawag at nakita ko ang nakangiting Maja na papalapit sa akin. Her hair was dancing with the wind as she slightly ran towards me. Ng huminto siya sa aking harapan ay mas lalong nadepina ang kaonting pag ayos sa mukha niya. Slight blush on her cheeks and redness in her lips told me she was ready for something. Ganito naman palagi ang ayos niya.

"Maja!" Bati ko pabalik. Sa mga nagdaang linggo ay wala siyang paramdam sa akin, ngayon lang. Madalas siyang tumatawag pero haggang doon lang, hindi gaya noon na nagyaya pa siyang lumabas kami.

"Ba't napadaan ka? Hindi ka ba busy sa thesis niyo?"

She shook her head sideways, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. "Nag-uusap pa ba kayo ni Oliver? Or nagkikita?" Tanong niya.

My heart leaped at the mention of his name. Pakiramdam ko may nagawa na naman akong mali dahil binabalik niya ang usapan na ito, but the look on her face says otherwise though, parang walang makakabasag sa kasiyahan niya sa araw na ito.

Marahan akong umiling at hinigpitan ang hawak sa aking bag. Tinikom ko ang bibig ko at nag-isip muna nang tamang sasabihin. Kailangan kong magingat sa mga bibitawang salita nang sa ganoon ay hindi na naman siya mabahala.

"Hindi na. It's been months actually. Bakit?" Sinigurado ako na wala akong mababanggit na ikagagalit niya. Her brows shot up in..... Shock? Parang nagulat sa sinabi ko, siya nga itong nagpapalayo sa akin sa lalaking iyon tapos magugulat siya ngayon.

"Talaga? Sayang, you could walk me over him. Diba sabi ko sayo noon na banggitin mo ako tuwing nag-uusap ka? Pero okay nalang din na ganyan! Dapat lang! Wala na akong problema" mas lumaki ang ngisi sa labi niya at bahagya siyang tumalon sa saya. Pinigilan ko ang pagawang nang aking bibig at tiningala lamang siya.

I can't help but feel she's being...... a brat.

Sa tagal namin na nagsasama ngayon lang lumalabas ang ganitong ugali niya. Siguro dahil nakasanayan niya noon na siya ang palaging nasusunod kaya sumisilay na ang totoong niyang ugali ngayon. Nahihirapan akong unawin na lumalabas na ang totoo niyang kulay dahil hindi siya ganito noong una siyang lumapit sa akin para makipagkaibigan.

Maybe that's why I find it hard to believe on my part because we've been friends for a long time, that I refuse to acknowledge who she really is. It's true, mahirap aminin na ang taong pinagkakatiwalaan mo ay hindi pala totoo, mahirap paniwalaan kaya mas pipiliin mong kumbinsihin ang sarili na mali lang iniisip mo dahil hindi mo matanggap.

Mahirap paniwalaan na ang taong akala mong kilala mo ay iba pala ang pakay sayo. The hard part isn't figuring out that they weren't true but the realization that they weren't really your friend.

"Anyways, I'll be going. Naghihintay ang volleyball team sa akin! Kita nalang tayo" kumaway siya at bumalik galing sa direksyon na pinanggalingan niya. Tumikhim ako nang naiwan na mag-isa. My heart felt like it swelled at naguguluhan na ang isipan ko.

I know I should distance myself from people that does not give me anything but good pero ang lubayan si Maja ay ibang usapan na. I treated her like family. Should I give out a second chance?

"Zacharina!" Ibang tao na naman ang tumawag. Ilang segundo ay ang pagmumukha na naman ni Brent ay nakita ko. Nagtatanong ang mga mata niya pero wala siyang sinabi. Nawala ako sa aking pag-iisip at hinarap siya na nakangiti.

We Can't BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon