Napahikab pa ako habang kumakain ng breakfast. Si ate Riah nagsisimula na naman sa pagsesermon niya sa akin ngayon. Ang tagal ko kasing nakatulog kagabi kaya ang resulta, natagalan din sa pag gising at namamaga ngayon ang mga mata.
"Bilisan mo na diyan kung ayaw mong ma late, Zach. May trabaho pa ako." Ani niya habang nagluluto ng new set of bacon.
Nandito rin si kuya Rod na nakahalukipkip lang sa may counter at pinapanood ang ate ko. Binilisan ko nalang din ang pagkain kaya kahit gusto ko pang sumubo, hindi ko nalang tinuloy nagmamadali na.
Like the usual, hinatid ako ni kuya Rod sa school.
"Ingat ka" sabi niya nang papalabas na ako sa sasakyan niya. "Sige kuya, thank you" ngiti ko sa kanya at bumaba na.
Kahit na magboyfriend at girlfriend palang sila ni ate ay tinuturing na namin siyang parte talaga nang pamilya at ganoon din siya sa amin. Kaya nga araw-araw niya akong hinahatid sa school. Minsan nga sumasama siya sa amin pag pumupunta kami sa probinsya para bisitahin sila mama at papa. Mabait din naman si kuya Rod at mataas ang pasensya, swerte nga ni ate. Ganyan sana ang lahat ng lalake.
Inaantok pa talaga ako habang umaakyat sa hagdanan papuntang second floor. Feel ko bibigay na talaga ang mga mata ko.
"Hoy, mukha kang aswang sa itsura mo ngayon" bati agad ni Darryl nang pumasok ako sa classroom at umupo na sa usual seat ko, sa harapan niya.
Napahikab na naman ako. "Ano bang nangyari sayo" kung makatingin 'tong bruhang to parang ang panget at kalaitlait na talaga ang itsura ko ngayon. "Kulang ako sa tulog" sagot ko. I rested my head on my desk.
"Pasalamat ka, wala si Mrs. Plaza ngayon. Wala ring iniwan na seatwork kaya kahit ano pwede nating gawin." Humalakhak siya. Napabangon ako at napatingin sa kanya.
"Talaga?" Hindi ako makapaniwala.
"Oo, sabi daw umuwi sa probinsya nila dahil may aasikasuhin. Anyway, matulog kana. Mukha kanang aswang sa look mo ngayon."
Umirap ako, itong bruhang to alam talaga lahat ng mga nangyayari sa school. Hiniga ko ulit ang aking ulo sa desk ko at umidlip na. Pagdating nang second period ginising na ako ni Darryl kasi may discussion daw pero I could barely listen to the teacher kasi distracted ako sa paglalaro nang ballpen.
And that was what would usually happen everyday. Our teachers keep discussing the topics left for this semester and exams are coming up. Medjo malayo pa naman din ang end nang semester pero todo bigay na ang mga students.
"I'm guessing you already know your groups for your thesis project?" Tanong ni Mrs. Plaza nang nakabalik na siya ngayong Thursday. "I already posted it sa bulletin board so you can see it now. I do hope na magsimula na kayo sa inyong thesis nang matapos niyo rin ito nang maaga." She smiled at the class. Her glasses almost falling of her nose as she looked down on her book.
Swerte nga naman at kagroup ko si Darryl para sa thesis namin. "Zach, meeting daw tayo mamaya para sa thesis natin sabi ni Nina" kinalabit niya ako at tumango naman ako.
Hapon nang iyon ay nagtungo ako sa field para makipag meet sa mga group mates ko para sa thesis namin. Kumaway sa akin si Darryl nang papalapit ako kaya lumingon sila sa akin.
"Hi, sorry natagalan ako" sabi ko. "Okay lang, kadarating ko lang naman din." Sabi ni Nina at binuksan na ang laptop niya para masimulan ang pag-eexplain nang mga gagawin namin sa thesis. Siya narin mismo nag-assign kung ano ang mga gagawin namin.
"So, Zach and Brent okay lang ba na kayo na sa Introduction?" Nag angat siya nang tingin sa aming dalawa. I looked over to Brent na nakatingin lang sa akin. He is part of the volleyball team nang school, medjo tahimik pero nag-uusap naman kami. Tumango siya kaya pumayag din ako.
