Chapter 11

44 1 0
                                    


Umuwi kami nang probinsya gaya nang aking sinabi. Kasama namin si Kuya Rod doon at ang kanyang sasakyan ang aming ginamit. Mga apat hanggang limang oras ang byahe na tatahakin mo patungo sa probinsya namin kaya may katagalan rin.

Pagdating namin sa aming bahay roon ay sinalubong agad kami nina Mama at Papa. Para akong naiiyak na nasasayahan na makita silang muli. Medyo nangungulila rin ako sa kanila.

Naroon rin ang iba naming mga kamag-anak at may kaonting handaan silang ginawa dahil sa aming pagdating.

"Ang laki na pala nang bunso mo, Mina" isa sa aming mga kamag-anak ang nagkomento at ngumiti lamang ako.

"At maganda pa." Dagdag nito. Tumawa si Mama. "Syempre nag mana kaya ito sa akin" ani nito at humalakhak. Tumango ako at marahan ding tumawa.

"May jowa ka na ba, hija?" Tanong nila sa akin.

Agad akong umiling at tipid na ngumiti. "Wala pa po" sagot ko. Mukhang nadissapoint si Tita sa aking sagot pero pinilit niyang tumawa. Bakit ba parang gustong-gusto nila na magkaboyfriend na ako? "Naku, akala ko meron na. Maganda ka pa naman"

I smiled politely at her. Hindi ko alam anong isasagot ko roon kaya tumango lang ako.

"Hayaan mo, baka ipakilala kita sa anak ni Franco. Gwapong binata iyon." Naglagay siya ng kamay niya sa aking balikat.

Bakit parang binubugaw ako nang mga kamaganak ko ngayon para lang magkajowa? "Naku, Hilda, kung ano-ano ang pinagsasabi mo diyan sa anak ko. Wag mo nga yang ireto sa mga sino diyan" tumawa si mama at hinila ako.

Ngumisi si Tita at nagkibit balikat. "Nagbibiro lamang ako" humalakhak siya at napatingin sa akin. "Hindi naman po ako nagmamadali" dagdag ko.

Nagpaalam ako kay Mama na lalabas muna dahil marami ng tao sa bahay. May mga bagong bisita pa na nagsidatingan kaya iginiya ko na muna sila sa loob at kinausap sandali para naman hindi ako hanapin mamaya.

Lumabas ako sa aming likuran. Malapit lang ang aming lupain kaya nilakad ko ito. Hindi ko alam kung ilang taon na siguro ang nakalipas simula noong nakapagpasyal muli ako dito sa aming lupain. May iba't ibang mga tanim at gulay dito at mukhang malapit na ang harvest. Magiging abala na naman sila dahil rito.

Tumunog ang aking telepono. Kinuha ko ito galing sa aking bulsa at sinagot ng hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumawag.

"Yes, Hello?" Ani ko at sinipa ang isang bato na naroon sa aking harapan. Hindi agad nagsalita ang kabilang linya kaya tumahimik na muna ako.

"How are you?" Ang mababa niyang bosses ay binati ako. Napaangat ako nang tingin sa mga bulubundukin sa harap lamang ng aming mga lupain.

"O-okay lang naman" Parang naiilang akong magsalita. This is the first time he has ever called me and hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko nga alam kung bakit siya napatawag, pero may parte sa akin na nagagalak dahil tumawag siya. And I know it sounds wrong.

"Kailan naman kaayo uuwi?" Tanong na naman ni Oliver.

Napaiisip ako. "Siguro next week, tutulungan pa namin sina Mama sa harvest." Ani ko. Umihip ang malamig na hangin at napayakap ako sa aking sarili. Sinandal ko ang aking sarili sa isang malapit na puno roon at pumikit, dinama ko ang presko na hangin at napahinga ng malalim.

"Okay. Tumawag ka kung nakauwi kana." Ani nito. Tumango ako at pinatay na ang tawag.

Naglakad ako at umupo sa pinakamalapit na silya dito sa labas. Nakapagisip ako, kung ano na ba itong ginagawa ko.

We Can't BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon