It was dawn noong nakauwi na si ate. Pinagbuksan ko siya nang pintuan dahil nakagising din ako. Pagdating ko ay panay ang suka niya. Siguro galing ito nang club.
Inasikaso ko muna siya. Hinayaan ko siyang magsuka sa CR habang kumuha ako nang tubig at gamit para maibsan ang hangover niya bukas. Pinalitan ko rin siya nang bagong damit kasi nangangamoy na siya. Hiniga ko siya pagkatapos at lumabas na sa kwarto niya.
Halos isang oras din iyong pagaasikaso ko sa kanya kaya nabawasan din ang tulog ko kaya ayun, para akong bata na hikab nang hikab dito ngayon sa third period class namin with Mrs. Plaza.
"Natulog ka ba kagabi?" Bumulong si Darryl sa likod ko. "Oo naman" sagot ko, "Nakulangan nga lang nang tulog kasi lasing si ate paguwi niya kaya tinulungan ko muna." Ngumiwi si Darryl sa sinabi ko. Binalik ko ang tingin ko kay Mrs. Plaza at sinubukan talaga na makinig sa mga lesson niya para naman may laman ang utak ko pag exam na.
Laking pasasalamat ko nang natapos ang class na iyon nang hindi ako nakatulog. Isang malakig achievement na iyon ha! Kahit na may pagkaboring si Mrs. Plaza paminsan-minsan at nalagpasan ko parin ang klase niya kahit na inaantok na ako.
"Kain tayo?" Yaya ni Darryl. Nagliligpit na ang lahat kasi break namin. Umiling ako. "Iidlip nalang muna ako, Dar"
"Sige, samahan nalang kita dito" tumawa siya at tumabi sa akin habang pinalabas ang telepono niya para mag twitter. Hiniga ko muli ang ulo ko sa desk at pumikit. Ilang sandali, noong malapit na sana akong makatulog ay may mga dabog akong narining. Napakunot ang noo ko pero hindi ako nagbukas nang paningin.
"Zach!" Bosses ni Lucy ang narining ko. Dahan dahan kong inangat ang aking paningin sa kanila at kinamot ang mata ko dahil hindi klaro ang pananaw ko.
Pawis na pawis si Lucy hinihingal. Nakasandal siya ngayon sa pintuan at hawak-hawak ang dibdib niya. Parang galing lang to nang marathon ah? Nalilito ako habang tinitingnan siya.
"Si... Maja" she said in between her uneasy breathing. Naalarma agad ko at napaupo nang maayos. Lumapit siya sa akin. "Nasa canteen"
"Ano? Anong nangyari?" Nag aalala kong tanong. Mismo si Darryl ang napatigil sa kakababad sa cellphone niya at napabaling sa amin. "May... Nakaaway" pag sabi niya palang noon ay napatayo agad ako at kumaripas nang takbo patungo nang canteen. "Teka lang!" Tawag ni Lucy pero iniwan ko na siya sa classroom. Pagod pa siguro 'yun kaya hindi agad naka sunod sa akin.
Nang nasagip na nang paningin ko ang canteen ay kitang kita ko ang dami nang tao nito. Grabe ang kalabog nang puso ko nang nakipag siksikan ako sa mga students na naroon.
"Excuse me" halos masiko na ako nang isang lalaking studyante doon dahil sa hiwayan nila. Nang nakalusot ako roon ay si Lyshua at Max agad ang bumungad sa akin. Pinipigilan niya si Maja na umatake sa babaeng maikli ang buhok na mukhang ka batch lang namin. Mabilis kong pinasadahan nang tingin ang buong canteen.
Isang circle ang nakapalibot sa kay Maja at ang unknown student na 'yon. Pamilyar siya pero nakalimutan ko na ata pangalan niya. Ang ibang mga mag-aaral ay naghihiyawan pa at mukhang aliw na aliw sa mga nangyayari. Mga loko! Ang iba naman ang mukhang alalang alala. May iba din na kumukuha nang video. Ano ba to! Bakit parang walang umaawat.
Pinigilan ni Lyshua si Maja sa pamamagitan nang pag block niya sa harapan nito para hindi niya maabot ang kawawang studyante na parang takot na takot na kay Maja pero sinusubukan parin na lumaban, pero sa halip ay ang buhok ni Lyshua ang nahila nang babae.
Lumaki ang mata ni Lyshua sa ginawa niya. Liningon niya ang babae na ngayon ay natakot na talaga. Umamba siyang susuntukin ito pero napigilan ko. "Lyshua, no!" Nabigla siya sa pagpigil ko sa kanya.