Buong araw ay hindi ko nakita si Maja pero nagtext siya kanina na mag-aantay siya sa gate mamaya. Sinabi ko naman sa kanya na matatagalan ako kasi may gagawin pa. She did not reply after that though, I don't know why.
Halos hindi mantanggal sa isip ko si Oliver. Sana nga ay matupad ang plano ko.
Kasalukuyan kong katabi si Brent ngayon na nagtitipa sa laptop niya ng mga final changes sa aming thesis. Ipapasa na namin ito sa Lunes at Biyernes na ngayon kaya kailangan ay matapos na kami today. Paparating narin kasi ang exams for this semester at malapit na ang semestral break namin. Finally! Tapos na ang hell for now.
"Okay, tapos na ako." Tumango si Brent at pinakita sa akin ang kanyang laptop. Si Nina ang magpiprint nang lahat nang ito kaya sinave ko na sa external hard drive niya ang final output pati narin sa aking hard drive para incase of emergency ay may back up kami. I can't imagine na macorrupt ang file na naroon kay Nina at mawala lahat nang mga pinagtrabahuan namin for weeks.
Absent si Darryl ngayon for an unknown reason, hindi naman siya nagtext o tumawag man lang para sabihin ang excuse niya. I'll just call him later.
Ibinigay ko na kay Nina ang hard drive. Napabuntong hininga siya. "Sa wakas tapos na tayo!" Ani niya. Actually first part palang naman ito ng thesis kasi next semester namin tatapusin ang part two.
Madali lang kami natapos ngayon kaya mabilis akong nagligpit nang mga gamit at kumaripas na nang takbo patungong gate para makita na si Maja. 5:30 pa pero dumidilim na ang kalangitan. Maraming estudyante ang nagsilabasan na pero wala akong nakita na Maja kahit saan. Good, that means mas nauna ako, just like in plan.
Nang naglakad na ako sa labas ay nakaparada na ang sasakyan ni Oliver. Lumabas siya dito na nakapamulsa at naka-jersey. Hula ko galing ito nang basketball practice. Ngumiti siya nang nakita ako at bumilis ang tibok nang aking puso sa ngiti niya.
Mas lalo akong kinabahan, parang ayaw ko na ngang sumunod sa plano, bahala na.
"Kanina ka pa?" Tanong niya. Umiling ako at hinigpitan ang kapit sa strap ng aking bag. Tumango siya at nilingon ang sasakyan niya. "Paparating na si Maja" ani ko. "Sasabay siya."
Saktong dumating talaga si Maja na abot tenga ang ngiti habang kumakaway sa amin. Nakatali ang buhok niya na hanggang balikat at hawak-hawak niya ang libro niya sa kanyang mga kamay. Mukhang napaghanda talaga siya ngayon. May kaonting kapulahan ang kanyang pisngi at ang mga labi niya rin. She looked glowing.
"Hi, sasabay ako" ani nito at bumaling kay Oliver. "Okay lang?" She said in a sexy tone. I know how she flirts and how she is around guys. I've known her for too long para malaman ang ginagawa niya ngayon. Tumango si Oliver sa kanya at ngumiti. Tumawa si Maja habang marahan na sinapak si Oliver sa balikat at nanatili ang kamay niya roon. Hindi naman umangal si Oliver, nag-eenjoy rin siguro to!
Well if he likes it..... Ibig sabihin ay baka may chance sila ni Maja right? That means okay, diba? Para kay Maja.
"Let's go." Anyaya ni Oliver at nagtungo na sa kanyang sasakyan. Pinatunog niya ito. Masaya namang sumunod si Maja sa kanya, hindi napawi ang ngiti nito. May pait akong naramdaman pero umiling ako at kinumbinsi ang sarili na wala lang ito. Small things, Zach. Para naman ito kay Maja.
Nang nagtungo na ako sa sasakyan ay nag-abot kami ni Maja sa pintuan nang front seat. Umamba siyang bubuksan ito pero nauna ang kamay ko. Nagkatinginan kami, walang anong bahid na emosyon ang kanyang mukha pero alam ko anong gusto niya ngayon.