Chapter 8

37 2 0
                                    

Padabog kong sinira ang pintuan nang sasakyan. Anong pake ko kung sa kaniya to, siya din naman nag insist na ihahatid ako. Well then, he should deal with me.

Umikot siya para makapasok na pero hindi niya agad pinaandar ang sasakyan. Kita ko ang paglingon niya sa akin kaya nag-iwas ako nang tingin.

"Okay" bumuntong hininga siya. "What's the problem?"

Ay iba talaga! Nagtanong pa. Binalingan ko siya at tinapunan nang matalim na tingin pero hindi siya natinag.

"Anong problema?" Napatawa ako sarcastically. "Ikaw! Hindi mo ba na realize na ang rude nang ginawa mo kay Brent? Magsasabay na sana kami nang tao pero dumating ka pa. Sinungitan mo pa. Gosh." Napahawak ako sa aking sentido. This guy is clearly not sensible.

Humarap muli ako sa bintana. The car is heavily tinted kaya hindi kami nakikita sa labas.

"Fine.... I'm sorry" parang napilitan niyang sinabi. Sarap sapakin nang kumag na'to. Nakakainis. "Bakit parang galit na galit ka?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Umiwas siya sa akin. "Boyfriend mo ba si Brent?" Biglaan niyang tanong.

Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway. Ano ba naman tanong yan? "Hindi!" Deny ko agad. Napatingin siya sa akin. "Talaga?" Aba't hindi pa naniniwala ang engot na'to. "Oo! Kasi kung boyfriend ko yun edi sana sa kanya na talaga ako sumama!" Sigaw ko.

Hindi siya sumagot. Sumilay sa labi niya ang isang ngiti. Kinabahan ako. Humarap na siya sa daanan at binuhay ang kanyang sasakyan. "Anong tinatawa mo diyan?" Singhal ko sa kanya.

Hindi siya sumagot kaya napairap nalang ako at hinarap muli ang bintana para tumingin sa labas. Tuluyan nang nilamon nang dilim ang kalangitan at kitang kita na ang mga ilaw nang matataas na gusali. Huminga ako nang malalim.

"Gusto mong kumain muna?" Tanong ni Oliver. Umiling ako nang hindi siya tinitingnan. "Sa bahay na ako kakain. Isa pa maiistorbo kita" ani ko at patuloy na nagmasid sa labas. Narinig ko ang malalim niyang paghinga.

Lately, mas napapadalas ang interaction namin nang taong ito. Lumipad ang isipan ko sa sinabi ni Maja kanina. Right! Siguro isa rin itong opportunity para maisingit ko si Maja.

"So......" Dahan dahan ako humarap sa kanya. "Bakit mo ba ako naabutan palagi sa school ha?" Diretsahan kong tanong. Mukhang hindi siya nag-expect sa tanong ko kaya ilang segundo bago siya nakasagot. "Timing lang." Matamlay niyang sagot. Nakukulangan ako sa sagot niya, that's impposible. Timing lang, halos bantayan mo nga ang gate kanina at noong mga nakaraang araw para lang tingnan kung nakalabas na ako. Wait! That's not the point, Zach.

"Alam mo, ang daming babae sa school na makipagpatayan para lang sa posisyon ko ngayon." Tumawa ako. This is so awkward. Pero sige lang, this is for Maja. For her happiness and for our friendship.

"What do you mean" nalilito niyang wika habang lumiko ang sasakyan. There is slight traffic kaya matatagalan ako nang uwi. "I mean..... Alam mo naman siguro na m-maraming babae nagkakagusto s-sayo." Nagkibit ako nang balikat at umiwas sa kanya. Hindi siya sumagot.

"But I don't like any of them." Ani niya sa seryosong tono. Abot langit ang tahip nang aking puso. Naririnig niya nga siguro ang kalabog nito ngayon sa sobrang lakas.

"Eh, s-sino pala ang gusto mo?" Nauutal ko pang tanong. Mas lalong tumindi ang kabog nang aking puso. I don't know pero may kaonting expectation ako kung sino pero hindi dapat. No!

We Can't BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon