"Congrats, Zach" bati na naman nang isa kong pinsan na galing pang Maynila.
"Maraming Salamat, Pete" I politely smiled.
Tumango siya at nagtungo na sa isang mesa kung saan nakaupo ang mga pinsan ko. Kumaway sila sa akin nang nakita ako at sumenyas na lumapit. Mamaya na siguro ako makikisali sa mga kwentuhan nila at may iba pang bisita na kailangan asikasuhin.
Ang daming tao sa bahay ngayon. Punong-puno ito nang mga bisita, mga kapamilya namin na galing pa sa probinsya at Maynila at sa iba't ibang sulok siguro nang mundo. Nagsidayuhan lahat ngayon sa aming bahay para magdiwang dahil kakagraduate ko lang. Feeling ko tuloy parang nagwagi ako sa isang international na contest dahil ang dami nila ngayon na bumabati sa akin, ang iba nga sa kanila ay hindi ko kilala.
Kaninang tanghali nagsimula ang graduation ceremony pero madaling gabi na ito natapos at dumiretso agad kami sa bahay dahil naghanda na sila kanina pa para sa okasyon na ito. Tumulong ang iba kung mga tiyuhin at tiyahin sa paghahanda. Sa totoo lang, noong nakaraang buwan pa sila nagplano nito.
Kasalukuyan akong naglilibot sa buong bahay, kinakamusta at tinatanong ng aking mga tiyahin tungkol sa plano ko sa kolehiyo. Hindi pa talaga ako tuluyang nakapagbihis, suot ko parin ang heels na ginamit ko kanina at isang floral dress na kulay asul at puti, hindi pa nga ako nakapagtanggal nang make-up.
"Ayaw mo bang mag Maynila, Zach? May bahay kami ni Tito Leo mo doon. Pupwede ka naman doon o kaya sa Davao man lang. Ang dami mong pwedeng magawa sa mga malalaking siyudad." usisa ni Tita Anila.
Mataman akong ngumiti. "Titingnan ko po Tita pero gusto ko po na rito na lang sa Vellarde"
"Oo nga naman, Maganda rin naman dito at tutal nakasanayan mo narin pero kung maiisipan mo ang mag Maynila ay wala itong problema sa akin, hija. Isang salita mo lang at welcome ka na agad, alam kong papayag rin naman si Mina sa desisyon mo" dumapo ang isang kamay ni Tita sa aking likod.
"Opo, wala naman pong kaso iyon kay Mama" marahan akong tumango.
"Zacharina, anak, halika ka rito" tawag ni mama.
Nagpaalam ako kay Tita at nagtungo kang Mama na may kausap na isang kamag-anak naming na hindi naman ako pamilyar.
"Ito na pala ang bunso mo Carmina? Congrats Zach, ang sipag mong bata at with honors ka pang nakapagtapos"
Ngumiti ulit ako. "Maraming salamat, po" sagot ko naman.
"Swerte nga ako at masipag na anak itong si Zach" puri naman ni Mama. Nahihiya na tuloy ako kaya patuloy nalang ako sa pagtango.
"Ang panganay mo naman?"
"Nagtatrabaho na iyong si Riah. Matulungin na bata rin iyon, siya ang nagaasikaso kay Zach dito sa Vellarde habang kami naman ni Samuel ay nangangalaga sa mga lupain sa probinsya."
"Naku, ang swerte mo pa talaga sa mga anak mo." Ngumiti siya pati sa akin
"Mama, lalabas lang po ako, saglit" nagpaalam ako na aalis.
"Sige anak" tumango siya. Diretso ang tungo ko sa bakuran kung nasaan ang iba kong mga pinsan na nag-iinuman. Hindi pa masyadong malalim ang gabi ngunit ang iba kong mga pinsan ay lasing na.
Gusto ko lang naman sana magpahangin kaya ako lumabas. Ang dami kasing tao sa loob at nakakapagod rin ang pag ngiti sa lahat nang mga sinasabi nila. Pansamantala muna akong magpapahinga sa lahat nang pagsagot sa mga tanong at papuri nila.
Tumunog ang aking telepono sa loob nang aking bulsa. Agad ko itong pinulot at sinagot nang hindi lamang tinitingnan kung sino ang tumawag.
"Hey, Zach" ang kabilang linya ang unang nagsalita.