Madaling araw na noong nakatulog ako kaya tanghali narin nang ako ay nagising.
Kumatok si ate Riah sa aking kwarto. "Zach!" Binagsak niya ang sarili niya sa aking kama. Napaungol ako. I want to sleep more!
"Ate mamaya na." Bulong ko sa isang inaantok na bosses. Kinalas niya ang aking kumot at yinugyug ako. "Zach, hindi pwede!" Tumili siya at napabangon ako ng sa pilitan. "Ate, pwede ba" sinita ko siya at umikot sa kabilang parte nang kama. I just wanna close my eyes and sleep.
"Zach!" Sigaw niya. "Hindi pwede, may tao sa labas na naghahanap sayo."
"Ano?" Bumangon agad ako at hinarap siya. Tumili siya at ngumiti sa akin. "Gwapo, matangkad, moreno, gano'n." Tumili siya at umamba ng lalabas pero pinigilan ko. Base sa pag describe niya ay hindi ito si Darryl.
"What? Wala akong kaibigan na ganyan." Etong si ate feeling, pinagtitripan na naman siguro ako. "Get out! Gusto ko pang matulog." Inusad ko siya at pinaalis. I don't know what prank she's playing but I'm not up for it. Inaantok pa ako.
Pinikit ko na ang mga mata ko dahil akala ko aalis na si ate. "He said his name is Oliver? Was that it?" Sa tono nang bosses niya ay parang hindi na siya nagbibiro ngayon. Mukhang nalilito pa nga sa kanyang mga sinasabi.
Lumaki ang mata ko at agad agad akong bumangon. I pounched on her kaya muntik na siyang mawalan ng balance. Gulat siya sa ginawa ko at kumapit sa aking braso. "What did you say?" Hinihingal kong tanong. "Oliver. Sabi niya magkaibigan daw kayo." Bumalis ang kabog ng aking puso sa sinabi niya. Why the hell is he here!
"Okay, go stall him. Sabihin mo nagbibihis pa ako." Binuksan ko ang pintuan at tinulak siya papalabas. "Go" sigaw ko at sinira na ito.
I took the quickest bath I must have had in the history of showers at dinalian ang pagbihis. Naglagay ako nang kaonting powder sa aking ilong at lip balm. Pagtapos noon ay hinarap ko ang aking sarili sa salamin at huminga nang malalim. I nodded to myself at ngumiti. "Kaya mo to, Zach." Sabi ko sa sarili ko.
Bakit ba kasi nandidito siya? ano na naman ba!
Habang tinatahak ko ang hagdanan pababa ay mas kinakabahan ako. Yung kabang naramdaman ko noong inanunsyo ang mananalo sa paligsahan? Parang ganoon nga!
Pagdating ko sa hamba ng papasok sa sala ay naaninag ko na ang presensya ni Oliver. Nakaupo sa aming sofa ngayon at nakapangalumbaba. Si ate ay pumasok kagagaling lang sa kusina at noong nakita ako ay ngumiti. "Zach" tawag nito.
Agad na tumayo si Oliver at bumaling sa aking direksyon. Ang mga mata niya ang nanlambot pero agad itong nawala. Tumingin siya sa ate ko.
"Nandito ka na pala" lumapit siya sa akin at iginiya ako patungo kay Oliver na ngayon ay nagkasalubong ang mga kilay. "Iiwan ko na muna kayo, magluluto lang ako nang kakainin natin ngayong tanghalian. Dito ka na kumain, Oliver." Ngumiti si ate sa kanya. Bumaling siya sa akin at kumindat.
Umalis siya at bumalik na sa kusina, Wow! Halos hindi pa nga niya kilala si Oliver dito niya na pinakain. Grabe ha!
Kung hindi lang tumikhim si Oliver ay siguro tuluyan pa akong nagrant tungkol sa ginawa ni ate. Tiningala ko siya. "Dito nalang tayo sa garden, maganda kasi doon" ani ko at iginiya na siya papalabas. This is where I usually bring my guests over kaya dito ko nalang din siya dadalhin.
Nilahad ko sa kanya ang upuan na nasa harap namin. Umupo siya roon kaya umupo rin ako sa harapan niya. Tanging ang mesa na nasa gitna namin ang naghihiwalay sa aming dalawa. It's like the barrier between the both of us.
Umubo muna ako bago nagsalita. "Napapunta ka rito?" Tanong ko at tinikom ang nakawalang buhok at sinabit ito sa aking tenga. Tinutukan niya ako bago nagsalita.