Chapter 3

71 4 0
                                    



Ang three days na Intramurals ay natapos sa isang iglap. Hindi ko nga namalayan na tapos na pala. Bumalik lahat sa normal and all classes resumed. Mas lalong naging busy ang mga students dahil papalit na ang exams. Isa na ako doon.

"Okay class, I will group you today for your thesis project next week" Nagsimula ng magsulat si Mrs. Plaza ng mga groupings namin sa board. Napa "tsk" ako, Gosh magsisimula na naman ang hell week next week. Haggard na naman ako.

Nilalaro ko ang ballpen ko habang naghihintay na matapos ang aming guro ng may marahang tumapik sa aking balikat.

"Sabay tayo lunch?" Tanong ni Darryl.

"Sige ba" Isa siya sa mga matatalik kong kaibigan, hindi kami palaging nagkakasabay kaya pinaunlakan ko nalang ngayon. Wala rin naman sila Maja kasi hindi kami parehas ng schedule at iba ang section nila. Nang matapos na ang period namin with Mrs. Plaza sabay na kaming bumaba ni Darryl sa canteen. Sa stairs palang grabe na ang pagdaldal niya.

"Alam mo ba? Si Shane? Yung magandang babae sa kabilang department? Rumored daw na jowa noong bagong student na taga Korea, si Keon" exaggerated niyang sinabi, napatingin ako sa kanya.

"Talaga? Diba sikat 'yun?" I think I know him. He is well known dito sa school kahit na bagong student palang, gwapo rin.

"Oo, basketball player nga 'yon" Tango pa siya nang tango ngayon. "San ka ba galing ng mga balitang yan ha, kung maka kwento ka parang alam mo lahat ng mga nangyayari dito sa campus!" Tumawa siya sa sinabi ko. Napatawa na rin ako sa tawa niya kasi nakakahawa.

"Syempre, ako pa ba. May pakpak ang balita may tenga ang lupa" pagmamayabang pa niya.

Mas napatawa ako sa kanya. Kaya siguro friends talaga kami ni Darryl kahit na hindi kami masyado magkasama kasi ang ganda niyang kaibigan. Kahit hindi kayo nagpapansinan paminsan-minsan alam mong he will always be there.

Umupo na kami at umorder. Nasa harapan ko si Darryl ngayon. Ang dami niyang daldal at mga chismis kaya tango lang ako ng tango sa lahat ng sinasabi niya kahit hindi naman talaga ako nakikinig ng todo.

Nagpasama narin ako sa kanya sa library kasi may libro akong kukunin para sa research paper namin.

"Good Morning po Mrs. Ruiz" binati ko ang librarian. Nakailang balik narin ako sa library at dito talaga ako madalas mag study kaya kilala narin ako ng librarian namin.

"Oh, Zach, napadaan ka?" Ngumiti si Mrs. Ruiz. Ang mga wrinkles sa gilid ng mata niya ay nakita.

"May kukunin lang po akong libro" ngumiti ako pabalik.Nagpatuloy na ako sa mga shelves ng libro, Si Darryl naman nag-aantay lang doon sa may mga magazines at nababasa rin nang kaonti kaya pinabayaan ko lang.

Nang mahanap ko na ang libro ay pinaprocess ko na ito for borrowing sa librarian at nagpaalam na ako kay Mrs. Ruiz at lumabas na.

"May pupuntahan muna ako sa kabilang building, Zach. Okay lang ba sayo mauna kana?" Si Darryl nang pababa na kami ng library.

"Sige, pupunta na ako ng classroom pagkatapos nito" tumango ako.

Nang nasa last floor na kami, nakasalubong namin si Oliver, may kasamang babae na kasing kulay niya lang ang kutis, mahaba ang buhok at straight. Nagtatawanan lang sila.

Nang nag angat ng tingin si Oliver sa direksyon namin ni Darryl binati niya agad ito.

"Darryl" nakipag-high five si Darryl kay Oliver at tumango ito sa kanya. Magkakilala pala tong dalawang to? Wow.

We Can't BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon