"Zach, tara na sa gym para makakuha tayo nang magandang upuan" Si Maxine na kakatapos lang magsuklay nang buhok at sinabit ang kanyang sling bag sa balikat sabay tayo. Opening ngayon ng club day at may battle of the bands na magaganap mamayang alas singko.
Tumayo ako at pinasadahan nang kamay ang aking mukha dahil kanina pa ako nakatunganga sa mga dahon na nahuhulog mula sa punuan malapit sa aming kinauupuan. Sumunod si Lucy sa akin at pumanhik na kami sa gym na punong puno nang mga students na may dalang mga tarpaulin or cartolina kung saan nakaukit ang mga pangalan nang bandang sinusupportahan nila. Pati ang mga ibang seniors at juniors ay nandito para lang sa opening.
Malalaking hakbang ang ginawa ni Max papunta sa harapan kung saan niya napili na umupo. Todo ngiti silang lahat habang hinihintay ang mga banda habang ako naman ay abala sa aking cellphone dahil nagtext ang ate na maaga daw dapat akong umuwi.
Lumabas na sa entablado ang unang banda. Pumalakpak ang buong gymnasium ng HFU at naghiyawan sila. Napatingin ako sa mga miyembro nang bandang ito at nakita sa sila ang pinakasikat talaga sa buong paaralan.
Sumabay ako sa kanila at pakiramdam ko ay nasa isang concert ako. I smiled and felt the music as I sang along with them. Napatawa pa nga kami noong may isang babae na umakyat talaga sa stage para lang halikan ang gwapong bokalista na kumakanta, makinis at maputi siya at mukhang aliw na aliw sa kanyang ginawa. Hinayaan lang naman ng bokalista na gawin niya ito.
I even dared Lucy to do the same pero ayaw niya. Joke lang naman din iyon.
"Ayaw ko! Baka mamaya masira pa ang reputasyon ko sa dare mo!" Mapagbiro niyang saway.
Nang nasa pangatlong banda na ang nagperform ay napa text muli si ate at inutusan ako na bumili nang pagkain sa labas dahil ayaw niya daw magluto. I rolled my eyes at nagtipa nang sagot. I can't disobey her, she's older than me kaya kailangan kong sundin ang utos nang isang to at nang hindi ako mapagalitan.
Kinalabit ko si Max na pumapalakpak. Napabaling siya sa akin na may malaking ngiti at nagtaas nang kilay. Nilapit ko ang aking sarili sa kanya para marinig niya ang aking sasabihin dahil masyadong malakas ang speakers at nasa harapan kami.
"Kailangan ko nang umuwi!" Sigaw ko pero parang normal lang ito dahil natabunan ito nang musika. Kumunot ang noo ni Max sa aking sinabi. "Pinapauwi na ako ni ate, may utos kasi" dagdag ko sabay turo sa aking cellphone and she knowingly nodded.
"Hindi mo ba tatapusin man lang ang opening?" tanong niya. Umiling ako kaya kinalabit niya si Lucy sa kanyang tabi na nakaharap sa kanyang telepono.
"Ihahatid ka namin sa gate" alok niya pero itinaas ko ang aking kamay bilang sagot. Sinikop ko ang aking bag at sinabit ito muli sa aking balikat "Huwag na, Dito lang kayo at baka may ibang umupo sa upuan niyo kapag umalis kayo"
Parang nagdadalawang-isip pa sila pero sa huli ay nakumbinsi ko. Yumuko ako nang papaalis sa aming puwesto dahil may ibang tao na nanonood sa likod.
Ng nakalabas ako nang gym ay may iba pang mag-aaral na hindi pala pumasok at nanonood. May iba na inaasikaso parin ang booth nila para bukas pero tapos na kami roon dahil nafinalize na ang lahat. Dumiretso ako sa gate at naghanap na nang taxi ng naramdaman ko na may anino sa aking likod.
I briskly turned around to see who it was. Wala. No one.
May ibang studyante na dumadaan pero walang kung sino ang kilala ko o lumapit man lang sa akin. The hell, I will literally faint kung may multo o ano mang kababalaghan na nangyayari dito. I moved away to the side mas malapit sa mga waiting shed at umupo nang tumunog ang isa sa mga bakal na upuan roon.